Thursday, April 11, 2013


I believe that everyone deserves to be treated with respect.  I am pretty sure that  I cannot please all around me, but as long as I am not doing something horrifying, then that it is simply alright.

Tuesday, April 9, 2013

Friday, April 5, 2013


Hindi masama magmahal ng sobra basta may natitira palagi para sa sarili mo. Hindi masama ibigay ang lahat  kapag nakikita mong binibigay rin niya ang lahat sa'yo. Ang mahalaga hindi kayo nauubusan ng pagmamahal para sa sarili ninyo. 

Hanggat maaari mahalin mo ang isang tao, hindi kasi palaging mahal tayo niyan. Maaring magsawa in the near future. Pero alam mo yung point na wala kang guilt feeling kung sakalaing mangyari yun? Kasi totoo ang pagmamahal na binigay mo.

Wednesday, April 3, 2013



Siguro nga hindi natin masisisi yung mga bagay na naghatid sakit at lungkot sa atin sa nakaraan pero hindi naman siguro ito big deal para kalimutan mo na ngumiti ulit o yung mga bagay na pwedeng maging dahilan para maging masaya ka ulit. Oo hindi madali na mag move on o kalimutan yung mga bagay na minsan ng naging bahagi ng buhay mo, yung mga tao na minsan na din naging dahilan sa bawat pag ngiti mo. Pero dapat din siguro na wag mong kalimutan na hindi lang na ka-depende ang dahilan nang pagiging masaya sa bagay na maaring mawala sa'yo, maging sa taong iniwan ka o sinaktan ka ng nakaraan.


Hindi naman kasi ibig sabihin na nasaktan ka at iniwan ka o hindi ka nagtagumpay sa mga bagay na iyong nasimulan e titigil na ang mundo at patuloy na magmumukmok sa bagay na hindi naman karapat dapat sa taong tulad mo. Huwag mong kalimutan na marami mang naging dahilan para magbigay kalungkutan at bigat sa damdamin mo mas madami parin ang bilang kung saan ka naging masaya, at kung sino at ano ang dahilan para mas maging masaya ka sa mga bagay at taong nasa hinaharap mo. Kasi kahit minsan nang sinaktan ka niya o iniwan minsan ka na din niyang napasaya sa mga bagay na dati kayong magkasama.

Second Chance.




Hindi lahat ng taong nagmamahal nabibigyan ng isa pang pagkakataon para ituloy yung naudlot na pagmamahalan. Hindi lahat deserving bigyan ng second chance. At lalong hindi lahat ng relasyon kailangan pa ituloy o bigyan pa ng chance. 


Sa pagdesisyon sa isang bagay ay hindi madali lalo na kung may lamat na ang nakaraan. Hindi madali kung may sakit pa din na naiiwan sa puso ng isa. Mahirap lalo na kung may isa pang nahihirapan. Pero kung sa tingin niyong pareho na sasaya kayo muli kung ipagpapatuloy niyo pa, then go, bigyan niyo pa ng pagkakataon yung sarili niyo at lalo na yung relasyon niyo. Kung hindi pa rin nawawala yung pagmamahalan niyo, ni mabawasan. 


Kung ang tiwala ay buo pa din, dahil iyon ang pinakamahalaga. Walang namumuong hinala o doubts. Kung sa tingin niyo magwowork out pa kung sakaling ituloy niyo. Madaming salik ang kailangan niyo malaman bago kayo magdesisyon. Huwag padalos dalos. Baka kasi magdesisiyon ka sa huli, pero magsisisi ka naman.


Hindi lahat deserve ang second chance. 

Monday, March 25, 2013

Sa isang kasalanan lang, kaya nitong burahin ang napakaraming magandang bagay na ginawa ng isang tao.

Friday, March 22, 2013




Madalas kapag sobrang sakit at sobrang mahal na mahal natin ang isang tao, bigla na lang tayong napapa akap sa kanila. Kapag hindi napigilan ang bugso ng damdamin kapag ayaw natin makita nila ang luha na pumapatak sa mata natin. Gusto mo lang siya yakapin ng mahigpit. Sa oras na niyayakap mo siya para bang buong mundo mo ay hawak mo na. Napakasarap nga naman mayakap.


Kailan nga kaya ulit darating sa buhay natin yung init ng yakap na gawa ng taong nagmamahal sa atin? Nakakainip no? Pero tiyaga lang sa paghihintay. Sigurado akong darating din sa atin lahat yan.

Sunday, March 17, 2013

Kung mahal ka naman talaga ng isang tao eh hindi ka niya matitiis. Hindi niya hahayaang masaktan ka. Hindi niya hahayaang nag-iisa ka.


Minsan mas masarap sa pakiramdam mo na isulat mo na lang lahat ng nararamdaman mo. Kasi minsan, mas kaya mong isulat yung mga gusto mong sabihin kumapara sa manggagaling talaga sa bibig mo lahat. Kasi nahihirapan ka kung paano mo siya sasabihin, hindi tulad kapag isusulat mo, maiisip mo pa lahat ng gusto mong idugtong sa sentence mo. Mas mailalabas mo ng maayos yung sakit na nararamdaman mo at wala ka pang maiistorbo na ibang tao. Kahit naman na hindi magbigay ng advice sa'yo yung notebook mo, pinapagaan nito yung pakiramdam mo. 

Tuesday, March 12, 2013

What if you had a second chance with the one that got away?

Sunday, March 10, 2013

Gumising sa katotohanan.

Sabi nila walang taong panget. Pero may beauty pageant.


Sabi nila walang taong bobo. Pero sa mga Elementary Schools may Slow Learner at Fast Learner, may mga sections din na dinedepende sa grades nila. May mga guro rin mismo na nagsasabi na BOBO kang bata ka. Mga gurong hindi alam ang depenisyon ng salitang guro na nagtuturo para matuto ang mag-aaral.


Sabi nila walang taong mahirap sa pamilyang masaya. Pero napakaraming umaangal na masakit ang tiyan nila.


Sasabihing kailangan ng space, pero maghahanap ng iba.


Lahat naman puro pampalubag loob lang eh. Puro kasinungalingan ang pumapalibot. Masyadong in general magsalita. Masyadong naghuhugas ng kamay. Hindi nila tanggapin ang realidad na kinagisnan. Lalo na’t nasa Pilipinas tayo. Isa sa mga taong mapang husga sa kapwa. 


May magagawa ba tayo? Eh binuhay rin tayo para makisama sa mga kupal na mga taong mahilig manira ng kapwa nila.

Friday, March 8, 2013

Sana masaya ka na.




Sa mga desisyong ginawa mo kahit alam mong may masasaktan kang tao. Sana masaya ka na sa buhay mo kahit wala ako sa tabi mo. Sana masaya ka na sa landas na tinahak mo kasi hindi ka na akin eh. Wala na akong ni katiting na karapatan para panghimasukan at pagsabihan ka sa mga desisyon gagawin mo kasi wala na, wala nang tayo.


At kahit pa sabihin kong may pinagsamahan tayo, pinahalagahan mo ba? Hindi ko lubos maisip na makakaya mong iwan ako sa mga panahong kinailangan ko nang isang tao sa tabi ko. Nakakatuwa lamang isipin na sa mga pangako mo pa ako humawak ng lakas, hindi mo naman pala kayang panindigan.


Ang natatangi ko na lamang hiling ay ang maging tunay na maligaya ka. ‘Yung walang bahid ng kahit anong galit at sakit sa puso mo. Kasi kahit anong pagtataboy pa man ang gawin ng puso ko sa’yo? Ikaw pa rin ang pipiliin nito. Kung kaya’t wala akong ibang ninais kundi ang lumigaya ka, kahit pa man sabihin nating ang kasama mo ay iba.



                          Life is not all that bad..            








Thursday, March 7, 2013

Wednesday, March 6, 2013

Move on.


Wag ka mananatili sa isang tao dahil akala mo eh wala ng ibang magmamahal sayo. Palagi mong tatandaan na meron laging kapalit ang lahat ng taong nawawala. Iba man ang itsura, nagkakaiba man paminsan minsan sa ugali, pero pare-parehong kang mamahalin ng mga yan. Dapat mong paniwalaan na deserving ka maging masaya, na hindi ikaw yung taong basta basta lang at paulit-ulit na sasaktan. 


Kapag hindi na maganda ang pag trato sayo, sige pabayaan mo na. Maniwala ka palagi na may isang tao na magbibigay sayo ng importansya bilang tao, ang taong gagalang sayo at tatratuhin ka sa paraan na gusto mong maramdaman.Maawa ka sa sarili mo, kapag sobra na ang sakit at patuloy ka pa ring lumalaban, patuloy mo lang na sinasayang ang oras ng iyong buhay. Huwag mo ipagkait ang sarili mo maging masaya. Tandaan mo na hindi sayo magagawa ng isang tao ang isang masamang bagay kapag importante ka sa kanila.


Ngumiti ka, salubungin ang bagong pag-asa. Mag move on na. Sayang ang araw na dapat ikaw ay palaging masaya. Matuto sa mga pinagdaanang problema. Kailangan mo yan. Bigyan mo lahat ng seryosong tao ng tiyansang mahalin ka.

Tuesday, March 5, 2013

Monday, March 4, 2013

Dear God,


I just want to thank you for giving me another year ahead. For blessing me, protecting me and guiding me. I know you have more things that are waiting for me. I know you’ll give them to me at the right time. 


I just want to pray for more blessing and for guiding me on my daily activity and choices. I want to pray for my loved ones guidance and protection.


Thank you Lord. :)

ANG BAWAL NA RELASYON, SA UNA LANG MASAYA.


Andun kasi yung thrill, excitement. Yung sa una patago-tago kayo, palihim na nagkikita, palihim na nagho-holding hands at kiss, palihim na nagtitinginan. Tapos kapag lumalim na yung feelings, feeling mo nasa movie ka, parang YOU AND ME AGAINST THE WORLD.


Sabi nga, ang ganyang mga bawal na relasyon papasukin mo kahit mali, paninindigan mo hanggang sa maging tama. Kasi nga marami tayong napapanood na mga movies, nangangarap din tayo ng happy ending. Umaasa na sana maging tama eventually ang inumpisahan ninyong mali.
Pero kapag lumitaw na yung mga complications at kapag marami na ang mga kontrabida, dun nawawala ang saya. Struggle much. Di bale sana kung pareho kayong strong. 

Yung iba kasi mas lalong nacha-challenge. Eh paano kung ikaw lang pala ang nakikipaglaban? Siya pinanghihinaan na ng loob at gusto ng bumitaw. Yun yung sad part.


Kaya kung sa tingin mo wala ng future yan, know when to follow the red sign. STOP.



Sa dami ng tao na nakikita natin sa araw-araw, sa milyon milyong tao na nabuo sa mundo, nagtataka pa rin tayo kung bakit wala pa rin ang taong para sa atin, madalas mong tanungin sa sarili mo kung “Maghahanap o maghihintay?”. May mga ganung pakiramdam na tatagal ng ilang minuto, yung hinahanap mo ang sarili mo dahil pakiramdam mo nawala ito at napadpad man kung saan. 


Patuloy at patuloy na tatakbo ang buhay, sa bawat pagtakbo mo eh sigurado akong may dadating at dadating sa buhay mo para magmahal sayo, gaano ka man kabilis o gaano ka man kabagal.


Hindi dahil wala ka ngayon eh eh ititigil mo ang buhay mo. Mag isip-isip ka. Bata ka palang, bukod sa marami ka pang kakaining bigas, eh marami ka pang pagdaraanan na sakit bago mahanap ang tunay na pagmamahal.

Sunday, March 3, 2013


Nakakasawa din maging ‘People Pleaser’. Okay lang naman na makinig ka sa kanila pero wag mo namang gawin lahat ng sasabihin nila kasi sa ayaw at sa gusto mo, not everyone will like you. Kahit anong gawin mo, may masasabi at masasabi pa rin silang masama sa'yo kahit kasing bait ka pa ng santo. I mean, diba? Tignan mo, kahit nga si Lord, may ‘nonbelievers’ kahit perpekto na Siya. Ikaw pa kaya na tao lang? Huwag ka ng mag aksaya ng panahon. Si God nalang ang i please mo. :)


Hindi ko din naman sinasabing maging selfish ka. Huwag ka namang dumating dun sa point na mang aagrabyado ka na ng ibang tao para lang sa happiness mo. Be considerate enough to respect other people’s feelings.


What I mean is, go for what you want, what you think is right, where you think you’ll be happy without hurting others. If you know that you’re right and you aren’t hurting anyone, why not go for it? What’s holding you back? Kasi they’re saying na ‘It doesn’t look good’? Kasi people will think that you’re the third party kasi nagkataon lang na agad mong sinagot yung ex nya na nahulog na yung loob sa iyo at ganun ka din sa kanya? Oh come on! You know better. It’s your life diba? Enjoy it while you have it. :)


Ako yung taong kapag nagtiwala, tiwala talaga.


 Kung pinagkakatiwalaan talaga kita, papanindigan ko yun. Kapag may nagtanong sa akin kung ano yung ugali mo, sasabihin ko sa kanya kung ano yung tingin ko sa'yo. At yun yung papaniwalaan ko. At dahil nga sobra sobra akong magtiwala, kapag nasira yun, malaki yung impact niya.


Mahihirapan na akong magtiwala ulit sa'yo kung ipinapakita mo sa akin na iba yung sinasabi mo sa ginagawa mo at kung ipinapamukha mong mali yung tingin ko sa'yo. Hindi kasi ganun kadali para sa akin na tanggapin na nagsinungaling sa akin yung isang taong sobra kong pinagkakatiwalaan. Parang di man ako importante sa kanya, kasi pati tiwala ko nasira na niya.


To forget, may be hard. But trusting again, is harder.

Kahit concerned pa ako sa'yo, kahit na mahal pa kita, hindi ko gagawin ang diktahan ka.. As long as wala kang nasasaktan, wala kang inaapakan, wala kang dinadaya, sige go!


Sometimes we let affection, go unspoken

Sometimes we let our love grow unexpressed,

Sometimes we can't find words to tell our feelings,

Especially towards those we love the best.



Kapag tumunog na ang bell at uwian na.


Tuesday, February 26, 2013



Sa sobrang dami ng gsuto mong sabihin sa taong mahal mo, minsan gusto mo na lang 'tong isulat sa bato, kesa sabihin sa kaniya na alam mong wala rin namang mangyayari kahit malaman niya. Walang mangyayari kasi wala ka namang karapatan sa kaniya. Masakit isipin na hanggang sa sarili mo na lang kaya ipagsigawan na mahal mo siya. Minsan iniisip mo pa nga kung kakayanin mo pa. Napapangunahan na kasi tayo ng takot at pangamba dahil takot tayong masaktan na. Kung sigurado ka sa nararamdaman mo, hindi na importante kung anong maging sagot niya. Ganun naman talaga pag nagmamahal eh, isasantabi mo ang sarili mong kaligayahan para sa kanya. At pag nagmahal ka, kasama na dun ang sakit. Kumabaga package deal yan. Pero hanggat nagmamahal ang isang tao, lahat kakayanin mo. Kahit ilang beses pa tayong masaktan, hindi yan hadlang para magmahal pa rin tayo ng paulit-ulit. 


Monday, February 25, 2013




Paano kung isang ganitong kaliit na hour glass ang magiging sukatan ng buhay mo? Ano ang uunahin mo? Paano mo hahatiin ang oras mo sa mga taong mahahalaga sayo? Paano mo maipapakita na mahal mo talaga sila? Magagawa mo kayang bigyan sila lahat ng attensyon kahit na may bumabagabag sa puso’t isip mo. Makakaya mo bang sulitin ang mga nalalabing oras mo. Uunahin mo pa ba ang sarili mong kaligayahan o ilalaan mo na lang sa mga taong nagpasaya ng buhay mo nung oras na masaya’t nanghihina ka? Hahayaan mo bang iwan sila ng may mga bakas ng ngiti pero sa ilang oras na lilipas ay bakas ng kalungkutan ang nanaig sayo at maaring manaig din sa kanila kapag nawala ka. Iiwan mo ba sila ng ngiti’t pag-asa o sasabihin mo kung ano ang kalagayan mo.


Paano kung isang ganitong kaliit na hour glass ang magiging sukatan ng buhay mo? Makukuha mo na bang patawarin ang lahat ng nanakit sayo? Makukuha mo na bang intindihin ang mga bagay na ayaw mong intindihin? Bibigyan mo parin ba ng oras sila kahit na sinaktan ka nila? Pero paano kung bibigyan ka pa ng pagkakataon at hahayaan kang baligtarin ito. Gagawin mo pa ba? Kahit na alam mong mauubos din ang buhangin nito. Kahit na alam mong ilang oras lang ay mawawala ka na rin sa kanila. Kahit gustuhin mo man kaso hindi na pwede.


Hihintayin mo pa ba na humantong ang buhay mo sa ganitong pagkakataon para magbago, magpatawad at magpahalaga. Hihintayin mo pa ba o magkukusa ka na para sa sarili mo. 

Sunday, February 24, 2013



Masarap akong maging kaibigan, kaya nga wala ng nagmahal eh.

FIVE RULES TO REMEMBER IN LIFE.
  • Money cannot buy happiness. But it’s more comfortable to cry in a Mercedes than on a bicycle.
  • Forgive your enemy but remember his name.
  • Help someone when they are in trouble and they will remember you when they’re in trouble again.
  • Many people are alive because it’s illegal to shoot them.
  • Alcohol does not solve any problems, but then again, neither does milk.


Nanaginip ako, tayong dalawa daw. Buti nagising agad ako. Ayaw ko sa'yo eh.

                             

               Good morning! :) Excited ako pumasok today :)




Tuesday, February 19, 2013

The world maybe a constant change, but memories would last a lifetime.. I miss you..

Sunday, February 17, 2013

Sometimes you just need to distance yourself from people. If they care, they’ll notice. If they don’t, you know where you stand.


Minsan kasi kahit kaibigan ka, kailangan mong dumistansya, lalo na kung kailangan na. Minsan maiisip mo na kaya ka lang ba niya kinaibigan dahil may kailangan siya sayo? O kinaibigan ka niya dahil gusto ka talaga niya maging kaibigan at wala nang dahilan pa. 


Ang hirap kasi makiramdam, lalo na kung wala ka talagang alam o ideya. Samantalang, pano kung siya na mismo gumagawa ng paraan para lumayo ka. Kaya minsan kahit masakit kailangan mo dumistansiya para malaman mo kung mahalaga ka ba talaga sa kanya o hindi. Kung yung sa pag-alis mo ba pipigilan ka niya o hahayaan ka niya at ikatutuwa pa niya iyon. 


Sa buhay, hindi natin alam kung saan tayo lulugar. Pwede tayong maging magkaibigan. Pwede naman mas higit pa doon. Pero mas mahirap yung nasa sitwasyon ka na hindi mo alam kung dapat mo pa ba gawin ang mga bagay na ginagawa mo para sa kanya. Dahil sa oras na hindi ka na niya kailangan, maeechapwera ka na lang basta basta. Doon mo mapapatunayan at malalaman kung saan ang lugar mo. 


Ang kaibigan o kasama sa buhay, hindi basta basta bagay na kapag nagsawa ka sa kanya, ise-set aside mo muna. Tao sila, may damdaming mararamdaman sa oras na binalewala mo sa panahong nagiging masaya ka.

Saturday, February 16, 2013

Natuwa lang ako nun nabasa ko ulit 'to. Hindi ko maisip bakit ko nasabi ang mga ito sa isang tao. Crap! :/

BEFORE YOU JUDGE ME OR THE THINGS I DO, WALK A DAY IN MY SHOES, LIVE A DAY IN MY LIFE WITH THE MEMORIES AND PAIN, THEN YOU'LL HAVE THE RIGHT TO JUDGE ME.

Friday, February 15, 2013

For my 196th post.

Thank you sa mga taong nagbabasa nitong blog ko. Thank you so much. Nakakatuwa kasi naeexpress ko yung nararamdaman ko dito. 


Sa mga patuloy na naiinspired at nakakarelate, hinding-hindi ako tatamarin o mauubusan ng sasabihin, hanggat nandiyan kayo. Sa mga naging kaibigan ko dati hahayaan kong umalis sa buhay ko ngayon. Pero wag kayo mag-alala kasi handa ko naman kayo tanggapin ulit kung sakaling babalik kayo. Hindi ko na din pagpipilitan sarili ko sa inyo, kasi alam ko mas maraming tao na mas pinapahalagahan ako bilang isa sa mga tunay nilang kaibigan.


Sa mga bagong kakilala, let's make the most out of it. Magiging close tayo kung gugustuhin natin pare-pareho. Ready naman ako para diyan.


Sa mga nasaktan, sinaktan, at masasaktan ko.. SORRY. 

Sa mga minahal ko, mahal ko pa rin kayo.

Sa mga mahal ko, mamahalin ko kayo sa lahat ng araw na darating.

Sa mamahalin ko, hintay hintay lang.

Sa mga may ayaw sa akin, ayos lang. 

Mua :)


You make me feel like for once in my life, I don't have to work so hard on being happy. It just happens.

Wednesday, February 13, 2013


Bukas maraming tao ang makikipag break. May mga taong pinalipas lang ang Valentines Day. Sayang nga naman kasi ang moment at regalo. Tipong takot din sila mawalan ng partner kaya papalipasin muna. May mga taong kakaiba ang trip. Mismong Valentines Day makikipag break. Para nga naman tragic ang pagkwento nila sa mga friends nila "alam mo girl Valentines kami nag break".  Tapos kinabukasan, It's not you, It's me. O kaya gusto din maging Astronaut kaya hihingi ng space.

People called it Valentines Day. I call it Thursday.

ITO PONG BLOG KO AY LATE NG ISANG ARAW, MALI ANG DATE. HAHA! DI KO ALAM PANO BAGUHIN MASAKIT NA ULO KO SA KAKAKALKAL NG SETTINGS! CRAP :/


So may dalawang pagkakataon para ipakitang sobrang mahal mo ang isang tao. It’s either sa Valentines Day or sa Christmas Day. Alam mo yun, kung iisipin mo kaya naman pala ng tao magbigay ng effort na ganun sa isang tao. Hindi yung magbibigay ng Presents ha? Yun bang masasabi mo sa taong gusto mo siya or mahal mo siya. Parang psychological lang lahat ng kailangan sweet ka tuwing Valentines Day or dapat sobrang nagmamahalan at nagpapatawaran kapag Pasko. 


Gets nyo? Na kaya naman pala ng tao. Pero bakit kailangan maghintay palagi ng espesyal na okasyon. Kung mas ma appreciate ito ng tao sa mga normal na araw na magkasama kayo :)

Tuesday, February 12, 2013

Hey BLOG, it’s my pleasure to be your date this thursday.

Hanga ako dun sa mga taong kahit nasasaktan na, hindi pa din maiwan yung mahal niya. Kesa dun sa taong nakaramdam lang na may hindi tama, iiwan ka na  bigla.

LESS EXPECTATIONS, LESS HEARTACHES.



You know what is beautiful? when you learn how to love and hurt but you still forgive and forget.


It is a beautiful thing to remember that you still live happy after all the things that happen in your life. Especially on those days that you’ve been in a trial of letting go and hurt so much. A pain that really hurts that no one and nothing can healed except the time. The time where the wounds of your heart will be healed slowly. A wounds of brokenness, tears and sadness. It’s a good thing to know that you’ve been conquered the days of giving up yourself with nothing but now look at yourself. You are stronger than before. 

Braver to face any kind of situation. giving inspiration to anyone who have nothing to hope for. and lastly you can now give forgiveness to those who hurt you and ready to love again.

Huwag kang susuko sa problema. Palaging tatandaan na ang problema eh pang samantala lang. Kailangan mo maging matatag para maabutan ang kasiyahan na iyong inaasam. Kaya ngiti na. Isipin mong may mga taong mas mabigat pa ang problema sayo. Palagi mong tatandaan na happiness is a choice. Ikaw at ikaw lang din ang tutulong sa sarili mo.


Kung medyo nauna kang isilang sa mundo, marahil sila yung kinakain mo noon hanggang ngayon.


Maaring hanapin mo ulit ito dahil ngayon mo lang naalala, mga paninda na bihira na makita sa tindahan. Kaya nga sobrang classic ng mga tindahan na meron pang mga ganito. Lalo na yung Iced Gems at yung Annie’s Langka,yung Krim stik parang mga 90’s or early 20’s na lumabas.


Isama mo na ang champola na uso pa rin hanggang ngayon, pero iba talaga kapag yung LANGKA Candy ang makikita mo, pang masa na pang masa na panghimagas ang datingan.
Dumating rin ang walang kamatayang MIK-MIK na mauubo ka kapag dalidali mong inistraw yung gatas at yung Pompoms na 1986 pa eh meron na  na parang cheese curls dati na makakaubos ka ng halos limang balot nito sa loob ng limang minuto.


Ito yung madalas kainin kapag nakikipaglaro ka sa mga kaibigan mo habang tumutulo ang sipon mo, hindi mo lubos maisip na maalat yung cheese pero sipon mo na pala ang nalalasahan mo.


Nakakamiss lang ulit ang maging bata, pero bahagya na tayong lumaki. Kaya huwag na nating balikan, kundi sabay sabay na lang ulit natin alalahanin ang mga pangyayari nung ating mga kabataan.


Hindi sakin ang litrato, lahat ng litrato ay hinanap lamang sa google.

Monday, February 11, 2013


Option mo lang yung taong priority ka.


Madalas gawing option ng mga tao yung mga taong priority sila. Bakit nga kaya ganun? Dahil alam nilang pwede muna nilang subukan yung gusto nila bago yung mga taong priority sila? So yung mga option lang nila eh nasa tabi lang na naghihintay. At kapag naging okay sila, syempre yung mga taong option eh masasaktan. Syempre, lahat nawala sa kanya eh. Sinakripisyo niya. Tapos sa huli malalaman niya na naglolokohan lang sila at nasaktan yung taong mahal mo.Andun pa rin ung pagsisisi dahil wala kang magawa. Tipong alam mo sa sarili mong hindi mo gagawin sa kanya yun. Tipong nasasaktan kang nakikita siyang nasasaktan.At ang masakit pa dun, kahit anong malasakit ang gawin mo sa kanya. Hindi naman niya mararamdaman eh. Wala naman kasi siyang pakialam sa nararamdaman mo. Dahil nga option ka lang.

Para sa'yo magmamahal ulit ako. Bakasakaling iba ka sa kanila. Para sa'yo gagawin ko, kahit alam ko na may posibilidad na masaktan ulit ako pero eto pa rin hindi nagsasawa. Para sa'yo gagawin ko 'to dahil mahal mo ako. Para sa'yo magmamahal ulit ako..

Curly :)





Ang saya lang makipagbiruan at makipag chill sa taong mahal mo no? Sa gusto mong patigilin ang oras eh lalong bumibilis ito. Paano nga naman kasi nag eenjoy ka. Natutuwa kang kasama siya. Minsan hindi talaga natin matatago ang ngiti eh. Bigla na lang bubulwak ang ngiti at ating mga tawa. 


Madalas natin pantasyahin ang mga ganitong tagpo. Ang simpleng buhay na kasama ang taong gusto natin. yung simpleng tawanan, yung simpleng biruan, mga simpleng bagay na ginagawa nila eh napapasaya na nila tayo. Kailan nga kaya nila mapapansin na mahalaga rin pala tayo? Na may kaya pala tayong ibuga. Na mas ok pala tayo kesa sa taong gusto nila. Bakit kasi may mga bagay pang dapat paghirapan para maranasan yung saya eh. Sabagay.. Dun mo mararamdaman yun eh, yung sa tagal mong walang kasama, sa tagal na walang pumapansin sayo. Tapos darating bigla yung araw na may taong mag bibigay na ng importansya sayo.


Sarap siguro ng pakiramdam. Taong nagpapasaya.. Taong nagpapamahal. Sana hindi na lang ito mag mistulang pangarap no? Sana maramdaman din nating lahat.


Paano nga ba maging emotionally mature? Ako kasi naging emotionally mature by experience eh. Doon mo siya matututunan. sa proseso pagkatapos mong masaktan. Kumbaga habang tinatanggap mo ang mga bagay, nag-iisip ka ng mga posibleng solusyon sa problema mo eh. So next time na subukan mo ulit magmahal, mag iingat ka na. Alam mo na mga gagawin dahil sa una eh akala mo ok na ang lahat pero wala pa rin pala.Kaya yun.. sa mga susunod mo eh mag-iingat ka na at lahat ng bagay na nangyayari sayo eh bigla bigla mo na lang matatanggap. Kasi ang masasabi mo na lang sa huli “Well, Thats life :)” Ok lang masaktan ng masaktan kung ang dahilan eh nagmahal ka.. Ang mahalaga may natututunan at na apply mo sa mga susunod na subok mo sa buhay.


Ganito ko kamahal ang mga kapatid ko. Simula pagkabata hanggang ngayon ganito pa din ako sa kanila. Madalas kong iparamdam na nandito lagi ang Ate nila  kapag sa tingin ko eh may problema sila. Gusto ko maiparamdam sa kanila na mahal na mahal ko sila. Kaming tatlo ang  madalas magsikreto sa Daddy namin, dahil sa istrikto si Daddy pagdating sa buhay namin. Gusto ni Daddy ayusin namin daw mga ginagawa namin, malalaki na daw kami. Eh matitigas ulo namin hehehe.. Kaya ayun, pag may pinapagalitan isa sa kanilang dalawa, ako na bahalang nagliligaw sa Daddy ko ng usapan. Tapos ayun, makakalimutan na nya na nagagalit na pala siya. Kasi hindi naman ako ang madalas napapagalitan eh, kahit nun maliliit pa kami. Ang kapatid kong lalake ang pasaway. Pero minsan nadadamay tuloy klaming dalawang babae. Eh, ganun talaga. Okay lang din kasi magkakapatid naman kami.



Dumaan din naman ako sa edad nila at alam ko na ang sikreto pag dating sa mga Love-love na yan! Swerte na lang rin kung paranoid lang ako mag-isip talaga. Pero nasasaktan ako pag nasasaktan sila kasi alam ko ano ang pakiramdam.. Gusto ko kahit di na ako ang swertihin pagdating sa bagay na yun, basta sila na lang. Okay na lang din sa akin. Kasi andiyan naman na si Julia eh.


Hanggang ngayon tumanda na kami, ganun pa rin kami. Tatatlo na lang, mag-aaway away pa ba kami. Mababaw lang naman kadalasan pinag aawayan namin eh, ag-aaway kami, kapag sino gagamit ng TV, dahil iba nga ang mga hilig namin panuorin, ayun madalas pinagaawayan namin dahil lang sa TV,pero matagal na yun. Puro pagmamahalan na lang ngayon. 


Basta pinangako ko sa sarili ko, bubuwis ko buhay ko sa kanila talaga sa oras na may mangyaring hindi maganda, na sana naman eh wag mangyari. Kapag nangyari kasi yun, kawawa naman sila wala na silang Ate.Kahit na ang daming nagsasabi hindi kami magkakamukha. Eh malamang sa duhat ako pinaglihi, sila sa yelo, un isa naman sa singkamas! haha!  


Mahal na mahal ko sila. Kahit noong nasa maliit na bahay palang kami, hindi ako kakain dati hanggat di pa din sila kumakain. Pero ngayon kung sino na mauna bahala na jan. Kasi maliit lang mesa namain eh, di kami magkakasya lahat :p


I love you Joel at Janice. Andito lang si Ate :) Sa lahat ng may kapatid. Mahalin niyo  sila ng husto. Sila ang kakampi niyo.. Yakapin niyo sila sa oras na tingin mo kailangan mo sila. Doon mo mararamdaman na masarap pala talaga ang may kapatid. :)

Sunday, February 10, 2013


Bea: "Bru, samahan mo na kasi ako. "

John: pwede bang pass muna ako?

Bea: sige na alam ko namang hindi mo ako matitiis  eh.

John: Ayun na nga ang masakit eh. Hindi kita matiis.

Bea: "Kasi mahal mo ako."


Hindi ba’t mas madaling mag blog kapag may GIF ka na sinusundan? Mas nararamdaman mo yung sinusulat mo at may mas naiisip ka pang mga ideya. Ewan ko, kapag seryoso yung entry ko nag titiyaga akong maghanap ng GIF na related dun sa sasabihin ko. Para ma picture ng mga tao ano yung gusto mong ipahiwatig.


Kaya napapadalas ako manuod ng mga pelikula eh. Minsan ang random ng pinapanuod mo tapos bigla ka na lang may ma rerealize sa napapanuod mo. Astig lang eh. Haha! Productive Shit :))




Balang araw, hihina din ang mga tuhod natin. Balang araw, isa na lang ang makakasama natin kundi ang Pamilya natin. Mabubuhay tayo ng mapayapa, at iiwan tayo sa mundong ito ng mga magulang natin. Tatanda, magkakaroon ng Anak, Apo, at  asawa.


Yun ang hanap natin diba? Yung taong sasamahan tayo san man tayo magpunta, lahat tayo ay hihina, at ang tanging lakas na pagkukunan natin eh yung asawa natin. Yung taong tinupad ang pangako na sasamahan ka niya pang habambuhay. Sarap ng ganung pakiramdam no? Kaya mas nakakatuwa panuorin o kaya tanungin yung mga Lola at Lolo natin paano sila tumagal at ano ang mga naranasan nila. Kung wala kasi sila, wala ka. Wala ka kasing magulang pagnagkataon. Kaya ang saya dahil nagsibol ang kanilang pagmamahalan.


Sa dami ng balakid sa buhay, daig mo pa ang pag akyat ng pinakamatayog na bundok. Lagpas langit ang karanasang ito. Dito masusubukan kung handa ka pa ba niyang samahan, kung kaya ka pa ba niyang iligtas, kung hanggang sa tuktok eh tutuparin niya ang sinabi niya.


Doon na nabuhay ang tao, doon na umikot ang mundo niya. Sa paghahanap kung sino ang magmamahal sa kanya.

Friday, February 8, 2013

Niloko man ako o pinaasa ng taong minahal ko, ang mahalaga nagmahal ako ng totoo. At no regrets na ako dun. Malay ko bang ganun sila di ba? Di sana una pa lang hindi ko na sinubukan.

Thursday, February 7, 2013

Paano nga kaya kung tayo parin hanggang ngayon?


Siguro, may ite-text pa ako sa tuwing umaga ng “Good Morning, I love you!”. May matatanggap pa rin siguro akong matamis na “I love you too”. Siguro, may ka-hawak kamay pa ako sa tuwing maglalakad ako. Siguro, walang araw na hindi ako naka-ngiti habang nakatingin sa mga mata mo. Siguro nag-iisip ako ng mga bagong pakulo para sayo. Siguro, may nayayakap pa ako ng mahigpit ngayon. At hindi ko iniisip ang mga bagay na ganito. Ang daming kong iniisip na sana nangyayari pa sa atin ngayon. Minsan nga hinihiling ko na sana hindi na lang nangyari kung ano man ang nangyari. Kaso sadyang hindi yata talaga tayo para sa isa’t-isa. Kitang-kita ko naman kasi na sobrang saya mo naman kahit wala ako. Malamang may mga bagay akong hindi napatunayan o nagawa sa’yo nung panahong “tayo pa”, pero hindi ko maitatanggi na marami akong na-realize at natutunan kahit wala ka na. Marahil, kailangan ko ng magmahal ng iba. At iparamdam sa taong yun na siya lang talaga at wala ng iba pa. 

Oh, I'm sorry. I didn't realize you were an expert on my life and how I should live with it. Please continue while I take notes.

No matter how angry you get, you always end up forgiving the people you love.




I don’t care what you feel, what you did, what has done. what will be happen next. I don’t care if you still mad at me, or hurt me all over again. I don’t care if you say a word of truth or lie. I don’t care who you are, if you don’t like me or not. If you want to stay or let go. I don’t care what you do in the past few days without me. I don’t care what is right or wrong. I don’t care what you feel if your sad or happy. I don’t care everything. because you are the only reason why i learned to not to care anymore.

If I should love again.


Nasaktan na kasi ako ng ilang beses. Kaya yung taong mamahalin ko hindi ko sasaktan. Alam ko kasi yung pakiramdam. At ayaw kong maramdaman niya yun. Hindi ko sinasabi para may isang tao na bigla diyan na magparamdam sa akin na mamahalin niya ako. Dahil nabasa nilang hindi ko sila sasaktan. Meaning is, hindi ako gagawa ng mga kagaguhan na maaring masaktan siya or mga bagay na ikakaselos niya in the sense na alam ko na rin naman yung mga bagay na posibleng ika selos ng tao. Bakit mo sasadyain? Kung pwede naman iwasan yung mga bagay na yun. 


Siguro one thing na natutunan ko sa mga past na nangyari sa buhay ko eh meron akong pagkukusa. Yung hindi na nila kailangan sabihin kasi gets ko na. Maaring sobrang landi ng nakikita niyo sa akin ngayon. Wala akong magagawa, yun ang benefit ng pagiging single eh. Pero kapag nakita niyo naman na taken ako. Sobra ko siyang ipagmalaki.


That’s life. Hindi ako humihingi ng kapalit kapag nagmamahal. Bibigay ko at ipagmamalaki ko sila. Kahit na sa maisipan nilang iwan ako sa huli? Ang mahalaga dun eh naging parte sila ng buhay ko. Naipakita ko paano ako magmahal. Kapag nawala sila sa buhay ko e di alam kong hindi sila ang taong para sakin. Babalik ulit ako sa umpisa na maghihintay na lang ulit. Ako yung taong matagal matanggap ang katotohanan, pero once na natanggap ko na dedma na.

Kapag nakatulog ka sa SOFA, pag gising mo nasa KAMA ka na.


Natatandaan mo pa ba ito nung bata ka pa? Yung kapag nakatulog ka sa sofa o kaya sa sahig eh bubuhatin ka ng Mama/Papa mo at pag gising mo nasa KAMA ka na. Hindi ka na kasi pwedeng buhatin tulad ng dati, hindi ka na basta basta madadala sa kwarto nila, dahil maaring may sariling kwarto ka na at nakahiwalay ka na sa kanila.Ngayon kasi ang nangyayari, kung saan ka nakatulog, doon ka rin magigising, hindi ka na gigisingin ng magulang mo dahil ayaw niyang maabala ang iyong pag tulog, nakaka miss ang mga tagpong ito. Hindi naman sa naghahanap tayo ng kalinga, nakakamiss lang talaga ulit maging bata.Dati hindi sila tutulog na hindi ka nahehele, na hindi palalampasin ang pagtapik sa iyong pwet para makatulog lang. Ang sarap maging bata.. Sobrang sarap..

Wednesday, February 6, 2013

May mga taong nagmamahal naman ng tapat. Iniiwan pa rin.


Bakit kaya? Dahil ba sila ay nagsasawa sa mga bagay na ipinakita mo?


Ano lang ba ang ginusto mo? Ang magmahal lang nang tapat diba? Kapag tinatanong mo naman sila kung ano ang gusto nila ang sasabihin nila kahit wala na, ang mahalaga mahal mo sila.Pero sa likod ng pagmamahal, pagtitiwala, pagiging loyal mo sa kanila. Bakit pang-iiwan at pagtatraydor pa rin ang nagagawa nila sa mga taong tunay na nagmamahal? Bakit sa likod ng sayang naibigay mo sa kanila, nagagawa pa nilang ibigay ang lungkot na akala mo walang hanggang kasiyahan na.


Sa oras na iniwan ka ng taong mahal mo, para itong sumpa. Sumpa ng ilang araw, ilang buwan, ilang taon na kalungkutan. Para mawala yung sumpang iyon kailangan mo humanap ng isang taong magtatanggal nito.


Marami sa atin ang ganito, marami sa atin ang iniwan. Marami sa atin ang nagmahal ng tapat, pero iniwan din.

Tuesday, February 5, 2013

HUWAG KANG MAGREREKLAMO KUNG MAY TAONG MALAPIT SAYO NA AALIS SA BUHAY MO. “PEOPLE COME AND GO” IKA NGA. AT ONE POINT DUMATING KA DIN SA PUNTONG IKAW ANG UMALIS SA BUHAY NG ISANG TAONG NAGMAMAHAL SAYO.


New necklace ♥ Pusaaaaaa :)))