I blog. What i feel, what I have dealing with right now or has been with in the past. Those tears and laughs that has been counted. What I look for, what is my opinion and advices of other people. What others wants to express with. What is my likes and dislikes, my thoughts, I blog what myself look for. I blog everything what I’ve done. and all of this are only based on my emotions and experience. I blog of who I am.
Thursday, February 7, 2013
Kapag nakatulog ka sa SOFA, pag gising mo nasa KAMA ka na.
Natatandaan mo pa ba ito nung bata ka pa? Yung kapag nakatulog ka sa sofa o kaya sa sahig eh bubuhatin ka ng Mama/Papa mo at pag gising mo nasa KAMA ka na. Hindi ka na kasi pwedeng buhatin tulad ng dati, hindi ka na basta basta madadala sa kwarto nila, dahil maaring may sariling kwarto ka na at nakahiwalay ka na sa kanila.Ngayon kasi ang nangyayari, kung saan ka nakatulog, doon ka rin magigising, hindi ka na gigisingin ng magulang mo dahil ayaw niyang maabala ang iyong pag tulog, nakaka miss ang mga tagpong ito. Hindi naman sa naghahanap tayo ng kalinga, nakakamiss lang talaga ulit maging bata.Dati hindi sila tutulog na hindi ka nahehele, na hindi palalampasin ang pagtapik sa iyong pwet para makatulog lang. Ang sarap maging bata.. Sobrang sarap..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment