Kung medyo nauna kang isilang sa mundo, marahil sila yung
kinakain mo noon hanggang ngayon.
Maaring hanapin
mo ulit ito dahil ngayon mo lang naalala, mga paninda na bihira na makita sa
tindahan. Kaya nga sobrang classic ng mga tindahan na meron pang mga ganito.
Lalo na yung Iced Gems at yung
Annie’s Langka,yung Krim stik parang
mga 90’s or early 20’s na lumabas.
Isama mo na ang
champola na uso pa rin hanggang ngayon, pero iba talaga kapag yung LANGKA Candy
ang makikita mo, pang masa na pang masa na panghimagas ang datingan.
Dumating rin ang
walang kamatayang MIK-MIK na mauubo ka kapag dalidali mong
inistraw yung gatas at yung Pompoms na 1986 pa
eh meron na na parang cheese curls dati na makakaubos ka ng halos
limang balot nito sa loob ng limang minuto.
Ito yung madalas
kainin kapag nakikipaglaro ka sa mga kaibigan mo habang tumutulo ang sipon mo, hindi
mo lubos maisip na maalat yung cheese pero sipon mo na pala ang nalalasahan mo.
Nakakamiss lang
ulit ang maging bata, pero bahagya na tayong lumaki. Kaya huwag na nating
balikan, kundi sabay sabay na lang ulit natin alalahanin ang mga pangyayari
nung ating mga kabataan.
Hindi
sakin ang litrato, lahat ng litrato ay hinanap lamang sa google.
No comments:
Post a Comment