Kapag may problema ka at hindi mo na talaga kaya. Ipikit mo lang ang iyong mga mata. Isipin mo ang mga bagay na makakapagpasaya sayo. At kapag hindi mo maisip yung mga bagay na makakapagpasaya sayo. Hayaan mo lang dumaloy ang luha sa iyong mga mata. Huwag mong itatago ang problema. Ang problema hindi tinatakasan, nilalabanan at nireresolba yan. Kahit gaano man kabilis ang pagtakbo mo sa problema, hahabulin at hahabulin ka pa rin niyan.
Ipikit mo lang ang iyong mga mata. Isipin ang magagandang bagay na pwede mangyari sayo pagkatapos ng mga pangyayari. Hindi mo kailangan magtanim ng hinanakit at sama ng loob sa taong may gawa sayo ng kasalanan. Tanggapin mo ito na may mga tao talagang ganun. Walang magagawa ang sobrang galit at hinanakit sa kapwa. Matutong magpatawad.
Ipikit mo lang ang iyong mata. Isipin mo na hindi pa huli ang lahat, na isa yung pangyayari na maari kang may mapulot na aral at saka mo ulit gagawin sa iba. Nagagawa tayong iwan dahil sa ayaw na nila tayong lokohin pa, mas mahirap ang magkaroon ng relasyon na hindi ka na pala mahal ng isa.
Ipikit mo lang ang iyong mga mata. Ipikot mo lang yan.. Huminga ka ng malalim.At sa oras ng pagmulat nito eh salubungin ang bagong pag-asang naghihintay. Kaya yan. Problema lang yan eh. Napaka onti ng dahilan ng kalungkutan na yan ikumpara sa mga mararanasan mong kasiyahan pagkatapos niyan.
No comments:
Post a Comment