Ang saya lang makipagbiruan at makipag chill sa taong mahal mo no? Sa gusto mong patigilin ang oras eh lalong bumibilis ito. Paano nga naman kasi nag eenjoy ka. Natutuwa kang kasama siya. Minsan hindi talaga natin matatago ang ngiti eh. Bigla na lang bubulwak ang ngiti at ating mga tawa.
Madalas natin pantasyahin ang mga ganitong tagpo. Ang simpleng buhay na kasama ang taong gusto natin. yung simpleng tawanan, yung simpleng biruan, mga simpleng bagay na ginagawa nila eh napapasaya na nila tayo. Kailan nga kaya nila mapapansin na mahalaga rin pala tayo? Na may kaya pala tayong ibuga. Na mas ok pala tayo kesa sa taong gusto nila. Bakit kasi may mga bagay pang dapat paghirapan para maranasan yung saya eh. Sabagay.. Dun mo mararamdaman yun eh, yung sa tagal mong walang kasama, sa tagal na walang pumapansin sayo. Tapos darating bigla yung araw na may taong mag bibigay na ng importansya sayo.
Sarap siguro ng pakiramdam. Taong nagpapasaya.. Taong nagpapamahal. Sana hindi na lang ito mag mistulang pangarap no? Sana maramdaman din nating lahat.
No comments:
Post a Comment