Sunday, February 17, 2013

Sometimes you just need to distance yourself from people. If they care, they’ll notice. If they don’t, you know where you stand.


Minsan kasi kahit kaibigan ka, kailangan mong dumistansya, lalo na kung kailangan na. Minsan maiisip mo na kaya ka lang ba niya kinaibigan dahil may kailangan siya sayo? O kinaibigan ka niya dahil gusto ka talaga niya maging kaibigan at wala nang dahilan pa. 


Ang hirap kasi makiramdam, lalo na kung wala ka talagang alam o ideya. Samantalang, pano kung siya na mismo gumagawa ng paraan para lumayo ka. Kaya minsan kahit masakit kailangan mo dumistansiya para malaman mo kung mahalaga ka ba talaga sa kanya o hindi. Kung yung sa pag-alis mo ba pipigilan ka niya o hahayaan ka niya at ikatutuwa pa niya iyon. 


Sa buhay, hindi natin alam kung saan tayo lulugar. Pwede tayong maging magkaibigan. Pwede naman mas higit pa doon. Pero mas mahirap yung nasa sitwasyon ka na hindi mo alam kung dapat mo pa ba gawin ang mga bagay na ginagawa mo para sa kanya. Dahil sa oras na hindi ka na niya kailangan, maeechapwera ka na lang basta basta. Doon mo mapapatunayan at malalaman kung saan ang lugar mo. 


Ang kaibigan o kasama sa buhay, hindi basta basta bagay na kapag nagsawa ka sa kanya, ise-set aside mo muna. Tao sila, may damdaming mararamdaman sa oras na binalewala mo sa panahong nagiging masaya ka.

No comments:

Post a Comment