Paano nga kaya kung tayo parin hanggang ngayon?
Siguro,
may ite-text pa ako sa tuwing umaga ng “Good
Morning, I love you!”. May matatanggap pa rin siguro akong
matamis na “I love
you too”. Siguro, may ka-hawak kamay pa ako sa tuwing maglalakad ako.
Siguro, walang araw na hindi ako naka-ngiti habang nakatingin sa mga mata mo.
Siguro nag-iisip ako ng mga bagong pakulo para sayo. Siguro, may nayayakap pa
ako ng mahigpit ngayon. At hindi ko iniisip ang mga bagay na ganito. Ang daming
kong iniisip na sana nangyayari pa sa atin ngayon. Minsan nga hinihiling ko na
sana hindi na lang nangyari kung ano man ang nangyari. Kaso sadyang hindi yata
talaga tayo para sa isa’t-isa. Kitang-kita ko naman kasi na sobrang saya mo
naman kahit wala ako. Malamang may mga bagay akong hindi napatunayan o nagawa
sa’yo nung panahong “tayo pa”,
pero hindi ko maitatanggi na marami akong na-realize at natutunan kahit wala ka
na. Marahil, kailangan ko ng magmahal ng iba. At iparamdam sa taong yun na siya lang
talaga at wala ng iba pa.
No comments:
Post a Comment