Sunday, February 10, 2013




Balang araw, hihina din ang mga tuhod natin. Balang araw, isa na lang ang makakasama natin kundi ang Pamilya natin. Mabubuhay tayo ng mapayapa, at iiwan tayo sa mundong ito ng mga magulang natin. Tatanda, magkakaroon ng Anak, Apo, at  asawa.


Yun ang hanap natin diba? Yung taong sasamahan tayo san man tayo magpunta, lahat tayo ay hihina, at ang tanging lakas na pagkukunan natin eh yung asawa natin. Yung taong tinupad ang pangako na sasamahan ka niya pang habambuhay. Sarap ng ganung pakiramdam no? Kaya mas nakakatuwa panuorin o kaya tanungin yung mga Lola at Lolo natin paano sila tumagal at ano ang mga naranasan nila. Kung wala kasi sila, wala ka. Wala ka kasing magulang pagnagkataon. Kaya ang saya dahil nagsibol ang kanilang pagmamahalan.


Sa dami ng balakid sa buhay, daig mo pa ang pag akyat ng pinakamatayog na bundok. Lagpas langit ang karanasang ito. Dito masusubukan kung handa ka pa ba niyang samahan, kung kaya ka pa ba niyang iligtas, kung hanggang sa tuktok eh tutuparin niya ang sinabi niya.


Doon na nabuhay ang tao, doon na umikot ang mundo niya. Sa paghahanap kung sino ang magmamahal sa kanya.

No comments:

Post a Comment