Sana masaya ka na.
Sa mga desisyong ginawa mo kahit alam mong may masasaktan kang tao. Sana masaya ka na sa buhay mo kahit wala ako sa tabi mo. Sana masaya ka na sa landas na tinahak mo kasi hindi ka na akin eh. Wala na akong ni katiting na karapatan para panghimasukan at pagsabihan ka sa mga desisyon gagawin mo kasi wala na, “wala nang tayo.”
At kahit pa sabihin kong may pinagsamahan tayo, pinahalagahan mo ba? Hindi ko lubos maisip na makakaya mong iwan ako sa mga panahong kinailangan ko nang isang tao sa tabi ko. Nakakatuwa lamang isipin na sa mga pangako mo pa ako humawak ng lakas, hindi mo naman pala kayang panindigan.
Ang natatangi ko na lamang hiling ay ang maging tunay na maligaya ka. ‘Yung walang bahid ng kahit anong galit at sakit sa puso mo. Kasi kahit anong pagtataboy pa man ang gawin ng puso ko sa’yo? Ikaw pa rin ang pipiliin nito. Kung kaya’t wala akong ibang ninais kundi ang lumigaya ka, kahit pa man sabihin nating ang kasama mo ay iba.
No comments:
Post a Comment