I blog. What i feel, what I have dealing with right now or has been with in the past. Those tears and laughs that has been counted. What I look for, what is my opinion and advices of other people. What others wants to express with. What is my likes and dislikes, my thoughts, I blog what myself look for. I blog everything what I’ve done. and all of this are only based on my emotions and experience. I blog of who I am.
Thursday, February 28, 2013
Tuesday, February 26, 2013
Sa sobrang dami ng gsuto mong sabihin sa taong mahal mo, minsan gusto mo na lang 'tong isulat sa bato, kesa sabihin sa kaniya na alam mong wala rin namang mangyayari kahit malaman niya. Walang mangyayari kasi wala ka namang karapatan sa kaniya. Masakit isipin na hanggang sa sarili mo na lang kaya ipagsigawan na mahal mo siya. Minsan iniisip mo pa nga kung kakayanin mo pa. Napapangunahan na kasi tayo ng takot at pangamba dahil takot tayong masaktan na. Kung sigurado ka sa nararamdaman mo, hindi na importante kung anong maging sagot niya. Ganun naman talaga pag nagmamahal eh, isasantabi mo ang sarili mong kaligayahan para sa kanya. At pag nagmahal ka, kasama na dun ang sakit. Kumabaga package deal yan. Pero hanggat nagmamahal ang isang tao, lahat kakayanin mo. Kahit ilang beses pa tayong masaktan, hindi yan hadlang para magmahal pa rin tayo ng paulit-ulit.
Monday, February 25, 2013
Paano kung isang ganitong kaliit na hour glass ang magiging sukatan ng buhay mo? Ano ang uunahin mo? Paano mo hahatiin ang oras mo sa mga taong mahahalaga sayo? Paano mo maipapakita na mahal mo talaga sila? Magagawa mo kayang bigyan sila lahat ng attensyon kahit na may bumabagabag sa puso’t isip mo. Makakaya mo bang sulitin ang mga nalalabing oras mo. Uunahin mo pa ba ang sarili mong kaligayahan o ilalaan mo na lang sa mga taong nagpasaya ng buhay mo nung oras na masaya’t nanghihina ka? Hahayaan mo bang iwan sila ng may mga bakas ng ngiti pero sa ilang oras na lilipas ay bakas ng kalungkutan ang nanaig sayo at maaring manaig din sa kanila kapag nawala ka. Iiwan mo ba sila ng ngiti’t pag-asa o sasabihin mo kung ano ang kalagayan mo.
Paano kung isang ganitong kaliit na hour glass ang magiging sukatan ng buhay mo? Makukuha mo na bang patawarin ang lahat ng nanakit sayo? Makukuha mo na bang intindihin ang mga bagay na ayaw mong intindihin? Bibigyan mo parin ba ng oras sila kahit na sinaktan ka nila? Pero paano kung bibigyan ka pa ng pagkakataon at hahayaan kang baligtarin ito. Gagawin mo pa ba? Kahit na alam mong mauubos din ang buhangin nito. Kahit na alam mong ilang oras lang ay mawawala ka na rin sa kanila. Kahit gustuhin mo man kaso hindi na pwede.
Hihintayin mo pa ba na humantong ang buhay mo sa ganitong pagkakataon para magbago, magpatawad at magpahalaga. Hihintayin mo pa ba o magkukusa ka na para sa sarili mo.
Sunday, February 24, 2013
FIVE RULES TO REMEMBER IN LIFE.
- Money cannot buy happiness. But it’s more comfortable to cry in a Mercedes than on a bicycle.
- Forgive your enemy but remember his name.
- Help someone when they are in trouble and they will remember you when they’re in trouble again.
- Many people are alive because it’s illegal to shoot them.
- Alcohol does not solve any problems, but then again, neither does milk.
Tuesday, February 19, 2013
Sunday, February 17, 2013
Sometimes you just need to distance yourself from people. If they care, they’ll notice. If they don’t, you know where you stand.
Minsan kasi kahit kaibigan ka, kailangan mong dumistansya, lalo na kung kailangan na. Minsan maiisip mo na kaya ka lang ba niya kinaibigan dahil may kailangan siya sayo? O kinaibigan ka niya dahil gusto ka talaga niya maging kaibigan at wala nang dahilan pa.
Ang hirap kasi makiramdam, lalo na kung wala ka talagang alam o ideya. Samantalang, pano kung siya na mismo gumagawa ng paraan para lumayo ka. Kaya minsan kahit masakit kailangan mo dumistansiya para malaman mo kung mahalaga ka ba talaga sa kanya o hindi. Kung yung sa pag-alis mo ba pipigilan ka niya o hahayaan ka niya at ikatutuwa pa niya iyon.
Sa buhay, hindi natin alam kung saan tayo lulugar. Pwede tayong maging magkaibigan. Pwede naman mas higit pa doon. Pero mas mahirap yung nasa sitwasyon ka na hindi mo alam kung dapat mo pa ba gawin ang mga bagay na ginagawa mo para sa kanya. Dahil sa oras na hindi ka na niya kailangan, maeechapwera ka na lang basta basta. Doon mo mapapatunayan at malalaman kung saan ang lugar mo.
Ang kaibigan o kasama sa buhay, hindi basta basta bagay na kapag nagsawa ka sa kanya, ise-set aside mo muna. Tao sila, may damdaming mararamdaman sa oras na binalewala mo sa panahong nagiging masaya ka.
Saturday, February 16, 2013
Friday, February 15, 2013
For my 196th post.
Thank you sa mga taong nagbabasa nitong blog ko. Thank you so much. Nakakatuwa kasi naeexpress ko yung nararamdaman ko dito.
Sa mga patuloy na naiinspired at nakakarelate, hinding-hindi ako tatamarin o mauubusan ng sasabihin, hanggat nandiyan kayo. Sa mga naging kaibigan ko dati hahayaan kong umalis sa buhay ko ngayon. Pero wag kayo mag-alala kasi handa ko naman kayo tanggapin ulit kung sakaling babalik kayo. Hindi ko na din pagpipilitan sarili ko sa inyo, kasi alam ko mas maraming tao na mas pinapahalagahan ako bilang isa sa mga tunay nilang kaibigan.
Sa mga bagong kakilala, let's make the most out of it. Magiging close tayo kung gugustuhin natin pare-pareho. Ready naman ako para diyan.
Sa mga nasaktan, sinaktan, at masasaktan ko.. SORRY.
Sa mga minahal ko, mahal ko pa rin kayo.
Sa mga mahal ko, mamahalin ko kayo sa lahat ng araw na darating.
Sa mamahalin ko, hintay hintay lang.
Sa mga may ayaw sa akin, ayos lang.
Mua :)
Thursday, February 14, 2013
Wednesday, February 13, 2013
Bukas maraming tao ang makikipag break. May mga taong pinalipas lang ang Valentines Day. Sayang nga naman kasi ang moment at regalo. Tipong takot din sila mawalan ng partner kaya papalipasin muna. May mga taong kakaiba ang trip. Mismong Valentines Day makikipag break. Para nga naman tragic ang pagkwento nila sa mga friends nila "alam mo girl Valentines kami nag break". Tapos kinabukasan, It's not you, It's me. O kaya gusto din maging Astronaut kaya hihingi ng space.
So may dalawang pagkakataon para ipakitang sobrang mahal mo ang isang tao. It’s either sa Valentines Day or sa Christmas Day. Alam mo yun, kung iisipin mo kaya naman pala ng tao magbigay ng effort na ganun sa isang tao. Hindi yung magbibigay ng Presents ha? Yun bang masasabi mo sa taong gusto mo siya or mahal mo siya. Parang psychological lang lahat ng kailangan sweet ka tuwing Valentines Day or dapat sobrang nagmamahalan at nagpapatawaran kapag Pasko.
Gets nyo? Na kaya naman pala ng tao. Pero bakit kailangan maghintay palagi ng espesyal na okasyon. Kung mas ma appreciate ito ng tao sa mga normal na araw na magkasama kayo :)
Tuesday, February 12, 2013
You know what is beautiful? when you learn how to love and hurt but you still forgive and forget.
It
is a beautiful thing to remember that you still live happy after all the things
that happen in your life. Especially on those days that you’ve been in a trial
of letting go and hurt so much. A pain that really hurts that no one and
nothing can healed except the time. The time where the wounds of your heart
will be healed slowly. A wounds of brokenness, tears and sadness. It’s a good
thing to know that you’ve been conquered the days of giving up
yourself with nothing but now look at yourself. You are stronger than before.
Braver to face any kind of situation. giving inspiration to anyone who have nothing to hope for. and lastly you can now give forgiveness to those who hurt you and ready to love again.
Huwag kang susuko sa problema. Palaging tatandaan na ang
problema eh pang samantala lang. Kailangan mo maging matatag para maabutan ang
kasiyahan na iyong inaasam. Kaya ngiti na. Isipin mong may mga taong mas
mabigat pa ang problema sayo. Palagi mong tatandaan na happiness is a choice.
Ikaw at ikaw lang din ang tutulong sa sarili mo.
Kung medyo nauna kang isilang sa mundo, marahil sila yung kinakain mo noon hanggang ngayon.
Maaring hanapin
mo ulit ito dahil ngayon mo lang naalala, mga paninda na bihira na makita sa
tindahan. Kaya nga sobrang classic ng mga tindahan na meron pang mga ganito.
Lalo na yung Iced Gems at yung
Annie’s Langka,yung Krim stik parang
mga 90’s or early 20’s na lumabas.
Isama mo na ang
champola na uso pa rin hanggang ngayon, pero iba talaga kapag yung LANGKA Candy
ang makikita mo, pang masa na pang masa na panghimagas ang datingan.
Dumating rin ang
walang kamatayang MIK-MIK na mauubo ka kapag dalidali mong
inistraw yung gatas at yung Pompoms na 1986 pa
eh meron na na parang cheese curls dati na makakaubos ka ng halos
limang balot nito sa loob ng limang minuto.
Ito yung madalas
kainin kapag nakikipaglaro ka sa mga kaibigan mo habang tumutulo ang sipon mo, hindi
mo lubos maisip na maalat yung cheese pero sipon mo na pala ang nalalasahan mo.
Nakakamiss lang
ulit ang maging bata, pero bahagya na tayong lumaki. Kaya huwag na nating
balikan, kundi sabay sabay na lang ulit natin alalahanin ang mga pangyayari
nung ating mga kabataan.
Hindi
sakin ang litrato, lahat ng litrato ay hinanap lamang sa google.
Monday, February 11, 2013
Option mo lang yung taong priority ka.
Madalas gawing option ng mga tao yung mga taong priority sila. Bakit nga kaya ganun? Dahil alam nilang pwede muna nilang subukan yung gusto nila bago yung mga taong priority sila? So yung mga option lang nila eh nasa tabi lang na naghihintay. At kapag naging okay sila, syempre yung mga taong option eh masasaktan. Syempre, lahat nawala sa kanya eh. Sinakripisyo niya. Tapos sa huli malalaman niya na naglolokohan lang sila at nasaktan yung taong mahal mo.Andun pa rin ung pagsisisi dahil wala kang magawa. Tipong alam mo sa sarili mong hindi mo gagawin sa kanya yun. Tipong nasasaktan kang nakikita siyang nasasaktan.At ang masakit pa dun, kahit anong malasakit ang gawin mo sa kanya. Hindi naman niya mararamdaman eh. Wala naman kasi siyang pakialam sa nararamdaman mo. Dahil nga option ka lang.
Ang saya lang makipagbiruan at makipag chill sa taong mahal mo no? Sa gusto mong patigilin ang oras eh lalong bumibilis ito. Paano nga naman kasi nag eenjoy ka. Natutuwa kang kasama siya. Minsan hindi talaga natin matatago ang ngiti eh. Bigla na lang bubulwak ang ngiti at ating mga tawa.
Madalas natin pantasyahin ang mga ganitong tagpo. Ang simpleng buhay na kasama ang taong gusto natin. yung simpleng tawanan, yung simpleng biruan, mga simpleng bagay na ginagawa nila eh napapasaya na nila tayo. Kailan nga kaya nila mapapansin na mahalaga rin pala tayo? Na may kaya pala tayong ibuga. Na mas ok pala tayo kesa sa taong gusto nila. Bakit kasi may mga bagay pang dapat paghirapan para maranasan yung saya eh. Sabagay.. Dun mo mararamdaman yun eh, yung sa tagal mong walang kasama, sa tagal na walang pumapansin sayo. Tapos darating bigla yung araw na may taong mag bibigay na ng importansya sayo.
Sarap siguro ng pakiramdam. Taong nagpapasaya.. Taong nagpapamahal. Sana hindi na lang ito mag mistulang pangarap no? Sana maramdaman din nating lahat.
Paano nga ba maging emotionally mature? Ako kasi naging emotionally mature by experience eh. Doon mo siya matututunan. sa proseso pagkatapos mong masaktan. Kumbaga habang tinatanggap mo ang mga bagay, nag-iisip ka ng mga posibleng solusyon sa problema mo eh. So next time na subukan mo ulit magmahal, mag iingat ka na. Alam mo na mga gagawin dahil sa una eh akala mo ok na ang lahat pero wala pa rin pala.Kaya yun.. sa mga susunod mo eh mag-iingat ka na at lahat ng bagay na nangyayari sayo eh bigla bigla mo na lang matatanggap. Kasi ang masasabi mo na lang sa huli “Well, Thats life :)” Ok lang masaktan ng masaktan kung ang dahilan eh nagmahal ka.. Ang mahalaga may natututunan at na apply mo sa mga susunod na subok mo sa buhay.
Ganito ko kamahal ang mga kapatid ko. Simula pagkabata hanggang ngayon ganito pa din ako sa kanila. Madalas kong iparamdam na nandito lagi ang Ate nila kapag sa tingin ko eh may problema sila. Gusto ko maiparamdam sa kanila na mahal na mahal ko sila. Kaming tatlo ang madalas magsikreto sa Daddy namin, dahil sa istrikto si Daddy pagdating sa buhay namin. Gusto ni Daddy ayusin namin daw mga ginagawa namin, malalaki na daw kami. Eh matitigas ulo namin hehehe.. Kaya ayun, pag may pinapagalitan isa sa kanilang dalawa, ako na bahalang nagliligaw sa Daddy ko ng usapan. Tapos ayun, makakalimutan na nya na nagagalit na pala siya. Kasi hindi naman ako ang madalas napapagalitan eh, kahit nun maliliit pa kami. Ang kapatid kong lalake ang pasaway. Pero minsan nadadamay tuloy klaming dalawang babae. Eh, ganun talaga. Okay lang din kasi magkakapatid naman kami.
Dumaan din naman ako sa edad nila at alam ko na ang sikreto pag dating sa mga Love-love na yan! Swerte na lang rin kung paranoid lang ako mag-isip talaga. Pero nasasaktan ako pag nasasaktan sila kasi alam ko ano ang pakiramdam.. Gusto ko kahit di na ako ang swertihin pagdating sa bagay na yun, basta sila na lang. Okay na lang din sa akin. Kasi andiyan naman na si Julia eh.
Hanggang ngayon tumanda na kami, ganun pa rin kami. Tatatlo na lang, mag-aaway away pa ba kami. Mababaw lang naman kadalasan pinag aawayan namin eh, ag-aaway kami, kapag sino gagamit ng TV, dahil iba nga ang mga hilig namin panuorin, ayun madalas pinagaawayan namin dahil lang sa TV,pero matagal na yun. Puro pagmamahalan na lang ngayon.
Basta pinangako ko sa sarili ko, bubuwis ko buhay ko sa kanila talaga sa oras na may mangyaring hindi maganda, na sana naman eh wag mangyari. Kapag nangyari kasi yun, kawawa naman sila wala na silang Ate.Kahit na ang daming nagsasabi hindi kami magkakamukha. Eh malamang sa duhat ako pinaglihi, sila sa yelo, un isa naman sa singkamas! haha!
Mahal na mahal ko sila. Kahit noong nasa maliit na bahay palang kami, hindi ako kakain dati hanggat di pa din sila kumakain. Pero ngayon kung sino na mauna bahala na jan. Kasi maliit lang mesa namain eh, di kami magkakasya lahat :p
I love you Joel at Janice. Andito lang si Ate :) Sa lahat ng may kapatid. Mahalin niyo sila ng husto. Sila ang kakampi niyo.. Yakapin niyo sila sa oras na tingin mo kailangan mo sila. Doon mo mararamdaman na masarap pala talaga ang may kapatid. :)
Sunday, February 10, 2013
Hindi ba’t mas madaling mag blog kapag may GIF ka na sinusundan? Mas nararamdaman mo yung sinusulat mo at may mas naiisip ka pang mga ideya. Ewan ko, kapag seryoso yung entry ko nag titiyaga akong maghanap ng GIF na related dun sa sasabihin ko. Para ma picture ng mga tao ano yung gusto mong ipahiwatig.
Kaya napapadalas ako manuod ng mga pelikula eh. Minsan ang random ng pinapanuod mo tapos bigla ka na lang may ma rerealize sa napapanuod mo. Astig lang eh. Haha! Productive Shit :))
Balang araw, hihina din ang mga tuhod natin. Balang araw, isa na lang ang makakasama natin kundi ang Pamilya natin. Mabubuhay tayo ng mapayapa, at iiwan tayo sa mundong ito ng mga magulang natin. Tatanda, magkakaroon ng Anak, Apo, at asawa.
Yun ang hanap natin diba? Yung taong sasamahan tayo san man tayo magpunta, lahat tayo ay hihina, at ang tanging lakas na pagkukunan natin eh yung asawa natin. Yung taong tinupad ang pangako na sasamahan ka niya pang habambuhay. Sarap ng ganung pakiramdam no? Kaya mas nakakatuwa panuorin o kaya tanungin yung mga Lola at Lolo natin paano sila tumagal at ano ang mga naranasan nila. Kung wala kasi sila, wala ka. Wala ka kasing magulang pagnagkataon. Kaya ang saya dahil nagsibol ang kanilang pagmamahalan.
Sa dami ng balakid sa buhay, daig mo pa ang pag akyat ng pinakamatayog na bundok. Lagpas langit ang karanasang ito. Dito masusubukan kung handa ka pa ba niyang samahan, kung kaya ka pa ba niyang iligtas, kung hanggang sa tuktok eh tutuparin niya ang sinabi niya.
Doon na nabuhay ang tao, doon na umikot ang mundo niya. Sa paghahanap kung sino ang magmamahal sa kanya.
Friday, February 8, 2013
Thursday, February 7, 2013
Paano nga kaya kung tayo parin hanggang ngayon?
Siguro, may ite-text pa ako sa tuwing umaga ng “Good Morning, I love you!”. May matatanggap pa rin siguro akong matamis na “I love you too”. Siguro, may ka-hawak kamay pa ako sa tuwing maglalakad ako. Siguro, walang araw na hindi ako naka-ngiti habang nakatingin sa mga mata mo. Siguro nag-iisip ako ng mga bagong pakulo para sayo. Siguro, may nayayakap pa ako ng mahigpit ngayon. At hindi ko iniisip ang mga bagay na ganito. Ang daming kong iniisip na sana nangyayari pa sa atin ngayon. Minsan nga hinihiling ko na sana hindi na lang nangyari kung ano man ang nangyari. Kaso sadyang hindi yata talaga tayo para sa isa’t-isa. Kitang-kita ko naman kasi na sobrang saya mo naman kahit wala ako. Malamang may mga bagay akong hindi napatunayan o nagawa sa’yo nung panahong “tayo pa”, pero hindi ko maitatanggi na marami akong na-realize at natutunan kahit wala ka na. Marahil, kailangan ko ng magmahal ng iba. At iparamdam sa taong yun na siya lang talaga at wala ng iba pa.
No matter how angry you get, you always end up forgiving the people you love.
I
don’t care what you feel, what you did, what has done. what will be happen
next. I don’t care if you still mad at me, or hurt me all over again. I don’t
care if you say a word of truth or lie. I don’t care who you are, if you don’t
like me or not. If you want to stay or let go. I don’t care what you do in the
past few days without me. I don’t care what is right or wrong. I don’t care
what you feel if your sad or happy. I don’t care everything. because you are
the only reason why i learned to not to care anymore.
If I should love again.
Nasaktan na kasi ako ng ilang beses. Kaya yung taong mamahalin ko hindi ko sasaktan. Alam ko kasi yung pakiramdam. At ayaw kong maramdaman niya yun. Hindi ko sinasabi para may isang tao na bigla diyan na magparamdam sa akin na mamahalin niya ako. Dahil nabasa nilang hindi ko sila sasaktan. Meaning is, hindi ako gagawa ng mga kagaguhan na maaring masaktan siya or mga bagay na ikakaselos niya in the sense na alam ko na rin naman yung mga bagay na posibleng ika selos ng tao. Bakit mo sasadyain? Kung pwede naman iwasan yung mga bagay na yun.
Siguro one thing na natutunan ko sa mga past na nangyari sa buhay ko eh meron akong pagkukusa. Yung hindi na nila kailangan sabihin kasi gets ko na. Maaring sobrang landi ng nakikita niyo sa akin ngayon. Wala akong magagawa, yun ang benefit ng pagiging single eh. Pero kapag nakita niyo naman na taken ako. Sobra ko siyang ipagmalaki.
That’s life. Hindi ako humihingi ng kapalit kapag nagmamahal. Bibigay ko at ipagmamalaki ko sila. Kahit na sa maisipan nilang iwan ako sa huli? Ang mahalaga dun eh naging parte sila ng buhay ko. Naipakita ko paano ako magmahal. Kapag nawala sila sa buhay ko e di alam kong hindi sila ang taong para sakin. Babalik ulit ako sa umpisa na maghihintay na lang ulit. Ako yung taong matagal matanggap ang katotohanan, pero once na natanggap ko na dedma na.
Kapag nakatulog ka sa SOFA, pag gising mo nasa KAMA ka na.
Natatandaan mo pa ba ito nung bata ka pa? Yung kapag nakatulog ka sa sofa o kaya sa sahig eh bubuhatin ka ng Mama/Papa mo at pag gising mo nasa KAMA ka na. Hindi ka na kasi pwedeng buhatin tulad ng dati, hindi ka na basta basta madadala sa kwarto nila, dahil maaring may sariling kwarto ka na at nakahiwalay ka na sa kanila.Ngayon kasi ang nangyayari, kung saan ka nakatulog, doon ka rin magigising, hindi ka na gigisingin ng magulang mo dahil ayaw niyang maabala ang iyong pag tulog, nakaka miss ang mga tagpong ito. Hindi naman sa naghahanap tayo ng kalinga, nakakamiss lang talaga ulit maging bata.Dati hindi sila tutulog na hindi ka nahehele, na hindi palalampasin ang pagtapik sa iyong pwet para makatulog lang. Ang sarap maging bata.. Sobrang sarap..
Wednesday, February 6, 2013
May mga taong nagmamahal naman ng tapat. Iniiwan pa rin.
Bakit kaya? Dahil ba sila ay nagsasawa sa mga bagay na ipinakita mo?
Ano lang ba ang ginusto mo? Ang magmahal lang nang tapat diba? Kapag tinatanong mo naman sila kung ano ang gusto nila ang sasabihin nila kahit wala na, ang mahalaga mahal mo sila.Pero sa likod ng pagmamahal, pagtitiwala, pagiging loyal mo sa kanila. Bakit pang-iiwan at pagtatraydor pa rin ang nagagawa nila sa mga taong tunay na nagmamahal? Bakit sa likod ng sayang naibigay mo sa kanila, nagagawa pa nilang ibigay ang lungkot na akala mo walang hanggang kasiyahan na.
Sa oras na iniwan ka ng taong mahal mo, para itong sumpa. Sumpa ng ilang araw, ilang buwan, ilang taon na kalungkutan. Para mawala yung sumpang iyon kailangan mo humanap ng isang taong magtatanggal nito.
Marami sa atin ang ganito, marami sa atin ang iniwan. Marami sa atin ang nagmahal ng tapat, pero iniwan din.
Tuesday, February 5, 2013
Monday, February 4, 2013
Ako na lang ulit.
- “Ako kasi ang may gusto nito eh!”
- “Pero bakit ang sakit?!”
- “Bakit mahal pa rin kita sa kabali nito?”
Love is blind nga naman. Mas pinipili nating magmahal nang taong alam nating hindi na tayong kayang mahalin muli dahil nasaktan na sila nang lubos sa nangyari sa nakaraan. Pero naisip kaya nila na minsan ang gamot sa sugat nang nakaraan ay ang mismong gumawa nito?
Love is blind nga naman. Nagpapakamanhid at nagpapakatanga nalang tayo nang paulit-ulit-ulit para sa iisang taong hindi naman nating alam kung mahalaga pa ba tayo o hindi. Masyadong pinagagana ang puso kesa sa utak kaya hayan ang resulta, broken-hearted.
Love is blind nga naman. Kasi wala ka nang ibang taong nakikita kundi siya kahit napakarami pa naman. Mantakin mong sa sampung bilyong tao, wala kang makitang iba? Tanga ka ba talaga o sadyang nagpapakagago ka sa isang taong gago?
Kapag may problema ka at hindi mo na talaga kaya. Ipikit mo lang ang iyong mga mata. Isipin mo ang mga bagay na makakapagpasaya sayo. At kapag hindi mo maisip yung mga bagay na makakapagpasaya sayo. Hayaan mo lang dumaloy ang luha sa iyong mga mata. Huwag mong itatago ang problema. Ang problema hindi tinatakasan, nilalabanan at nireresolba yan. Kahit gaano man kabilis ang pagtakbo mo sa problema, hahabulin at hahabulin ka pa rin niyan.
Ipikit mo lang ang iyong mga mata. Isipin ang magagandang bagay na pwede mangyari sayo pagkatapos ng mga pangyayari. Hindi mo kailangan magtanim ng hinanakit at sama ng loob sa taong may gawa sayo ng kasalanan. Tanggapin mo ito na may mga tao talagang ganun. Walang magagawa ang sobrang galit at hinanakit sa kapwa. Matutong magpatawad.
Ipikit mo lang ang iyong mata. Isipin mo na hindi pa huli ang lahat, na isa yung pangyayari na maari kang may mapulot na aral at saka mo ulit gagawin sa iba. Nagagawa tayong iwan dahil sa ayaw na nila tayong lokohin pa, mas mahirap ang magkaroon ng relasyon na hindi ka na pala mahal ng isa.
Ipikit mo lang ang iyong mga mata. Ipikot mo lang yan.. Huminga ka ng malalim.At sa oras ng pagmulat nito eh salubungin ang bagong pag-asang naghihintay. Kaya yan. Problema lang yan eh. Napaka onti ng dahilan ng kalungkutan na yan ikumpara sa mga mararanasan mong kasiyahan pagkatapos niyan.
Sunday, February 3, 2013
Ingat ingat sa pag-iwan, baka wala ka ng babalikan.
Ingat ingat din sa paglalakbay baka makasalubong mo pa si Karma at mabugbog ka. Wag ka rin lingon ng lingon baka masagasaan ka pa, kawawa ka naman. Mahal na mahal pa naman kita. At siguraduhin mong alam mo pupuntahan mo baka impyerno ang dulo ng nilalakaran mo! -_-
Why do people come and go?
Sa tuwing may mga taong aalis sa buhay natin. Dapat may matutunan tayong lesson dun. Nawawala ang mga tao para may ma meet tayong bago. Kahit na sabihin nating ayaw natin sila mawala. Hindi naman natin sila makokontrol eh. Isa lang yang parte ng buhay na kailangan natin tanggapin at labanan. Kung hindi ka masasaktan, hindi ka magiging matibay at hindi ka makakagawa ng mga magagandang desisyon sa buhay mo.
Second chances.
They don’t always come around. So when it does come, take it. I think certain things just didn’t work out the first time because it was the right thing, at the wrong time. Perhaps the second time, timing would be in your favor. But at the same time, always keep your guard up.
Friday, February 1, 2013
Subscribe to:
Posts (Atom)