Tuesday, January 22, 2013

Wag mong sanayin ang sarili mo na sinasaktan ng ibang tao.


Hindi ka santo na pwede ng pagawan ng rebulto sa monumento. Tao ka, hindi ka robot na pwedeng paulit ulit paglaruan. Wag mong hayaang nasasanay yung sarili mo na puro sakit nalang yung nararamdaman. Kung ibababa mo ang sarili mo para sa ibang tao, para mo na rin silang binigyan ng karapatan na basta bastahin ka na lang, na balewalain ka na lang, na paulit ulit saktan. Yan ang mga natutunan ko..


Mahalin mo sarili mo at wag hayaang apak apakan ka ng ibang tao. Gusto mong respetuhin ka nila? Hayaan mong manggaling yung respeto na yun sayo. Walang makakatulong sa sarili mo kundi ikaw mismo.

No comments:

Post a Comment