Forgive? Yes. Forget? No.
Forgive.
Hindi naman bato ang puso ko para hindi maintindihan ang mga paliwanag at excuses mo. Naiintindihan ko kung bakit naging ganun ang pakikitungo mo sakin. Naiintindihan ko kung bakit naging ganito tayo ngayon. Naiintindihan ko na ang mga maling bagay na nagawa mo sa akin. Naiintidihan ko na gusto mong bumawi sa akin. Naiintindhan ko na gusto mong humingi ng patawad sa akin. Kung ang Diyos nga nakakapag-patawad, ako pa kaya.
Forget?
Wala man akong pusong bato, pero pusong sugatan? “Meron”. Naging sugatan dahil sa iyo. Sa mga pinagagawa mo noon. Maaring mapatawad kita pero ang makalimot hindi ko yata kaya. Sino ba naman makakalimot na iwan kang mag-isa ng taong alam mong hindi ka iiwan. Sino ba naman makakalimot sa taong sabi hindi ka sasaktan pero sinaktan ka pa rin. Sino bang hindi makakalimot sa isang taong pinaniwala ka na totoo ang mga sinasabi niya pero hindi pala. Sino bang hindi makakalimot sa taong nangako pero napako na ng panahon. Bilang tao, may damdamin ako. Nasaktan mo ako ng sobra at hindi ko kaya basta-basta burahin yun sa puso’t isip ko.
Kung humihingi ka ng “Sorry”, pinapatawad na kita pero hindi ko kayang kalimutan kung ano man ang nangyari. Ang mapapayo ko na lang sayo ay huwag na huwag mo ng gagawin sa iba kung ano mang yung ginawa mo sa akin. Hindi lahat ng tao kagaya ko na malambot ang puso. Kaya bago pa mahuli ang lahat sana maisip mo na ang mali kailan may hindi magiging tama.
No comments:
Post a Comment