Monday, January 7, 2013

Alam kong umaasa ka pa rin.

  • Umaasa na balikan ka nya
  • Umaasa na magbago isip nya
  • Umaasa na mababalik sa dati ang lahat
  • Umaasa na may mababago pa
  • Umaasa na darating ang araw at magsisisi sya
  • Umaasa na Ikaw parin talaga mahal nya
  • Umaasa na panakip butas nya lang yung iba
  • Umaasa na hindi totoong pinagpalit ka nya
  • Umaasa na pinagseselos ka lang nya
  • Umaasa na namimiss ka nya at
  • Umaasang mahal ka pa nya
Alam kong kahit itanggi mo to, sa likod ng isipan mo.. Umaasa ka parin na maaayos pa ang lahat. Pero gusto ko lang malaman mo na ang mga bagay na tapos na ay hindi na maibabalik pa. Kung maisasaayos man, hindi na magiging katulad ng dati kaya mas mabuti pang kaysa umasa ka eh maglakad ka na papalayo sa nakaraan. Magsimula ng mga bagong alaala at palayain ang sarili sa mga bagay na paulit ulit na sinsaktan ka.

No comments:

Post a Comment