Ganun ba ko kabilis kalimutan?
Hindi ko alam pano nila nagagawa na bigla ka
na lang kalimutan na para bang hindi ka naging malaking parte ng buhay nya. na
para bang hindi ka minahal. Siguro nga may mga taong ganun kabilis makalimot at
magpalit ng mga tao sa buhay nya. Ang sakit lang na pinapakita sayo na ganun ka
lang kadaling tumbasan, ganun ka kabilis palitan. na pinaparamdam sayo na hindi
ka ganun kalaking kawalan. at mas masakit pa dyan, sinsadya ka ng iwasan at
pagtabuyan.
Siguro nga hindi mo
man siya matatagpuan ngayon, pero someday makikilala mo rin siya. Yung taong
ipaparamdam sayo na special ka at hindi ka dapat sinasaktan. Yung taong
mamahalin ka ng buong buo kahit yung mga pagkakamali mo tatanggapin niya.
Dadating rin yung taong hindi ka sasaktan at sisiguraduhin niya na kapag umiyak
ka, hindi dahil sa kanya. Dadating yung araw na may tao na ipagmamalaki ka sa
buong mundo at hindi ka niya ikakahiya kahit na wala ka namang maipagmalaki.
Kahit na hindi ka sexy at maganda. Ikaw parin yung mahal niya at mamahalin niya
kahit anong mangyari. ♥
No comments:
Post a Comment