The game is over.
Nagmamahal ka sa taong hindi ka mahal o one sided love. Mahirap. Dahil hindi mo makokontrol ang nararamdaman mo. Dahil habang nafa-fall ka sa taong hindi ka naman mahal,lalo lang lumalalim yung pagmamahal mo. Mahirap pigilan. Ang tanging pagtigil na lang nito ay ang mapagod kang mahalin siya. Dahil masakit isipin at mukang sinasampal ka ng katotohanang hindi ka niya kayang mahalin. Talo ako. Talo ako sa larong ako mismo ang nagsimula.
Nagmamahal ka sa taong sobrang halaga sayo o yung taong kaibigan mo. Madalas at hindi na bago to sa panahon ngayon. Dahil mafa-fall ka talaga sa taong laging nandiyan kapag nasasaktan ka. Mafa-fall ka sa taong laging dumadamay at nagcocomfort sayo. Mahirap pigilan iyon,lalo na kung habang lumalalim. It is like the one sided love. Pero iba ito kasi alam niyo pareho sa isa’t isa na mahalaga kayo. Na may pagpapahalaga kayo sa isa’t isa. At alam niyo din na mahirap ma-fall sa isa dahil alam mo na kapag nafall ka, talo ka. Dahil mas matimbang pa rin ang friendship kaysa sa fact na mahal mo siya.
No comments:
Post a Comment