Tuesday, January 22, 2013

Araw ng mga Puso.


Para sakin hindi lang naman sa mga taong may relasyon ang Valentines Day eh. Para sa akin ang Valentines Day ay para sa lahat. Sa mga taong mahal ang sarili. Sa mga taong in love. Hindi porket walang relasyon wala nang ka date ngayong Valentines. 

Tandaan natin na lahat tayo ay may puso. At wag nating kakalimutan ang saging ok? Ano nga ba ang natural na ginagawa tuwing Valentines day?Para sakin ito ang mga ginagawa.
  • Magbibigay ng rosas ang lalake sa babae. Yung ibang lalake pag labas ng school/office meron mga ale na nag titinda nito. Sa halagang 50 Pesos. Mapapakilig  na nila girlfriend nila.
  • Yung iba namang sosyal. Umuutang sa magulang mabilan lang nang Bouquet ng bulaklak ang kanilang mga kasintahan.
  •  Sa mga estudyante/magkatrabaho na magkasintahan, sabay silang uuwi. Iintayin ni lalake o ni babae ang kanyang gf/bf. Para sabay silang kakain. Gagala sa mall. Mag susuot ng mga couple shirts.
  • Magbibigay ng chocolates,greeting cards, at kung ano pang mga anek-anek diyan. Basta material na bagay. May teddy bear pa. Hindi na magtataka ang babae kung san ito binil. Malamang blue magic na naman.
  • Yung iba naman papasok sa sinehan, manunuod ng love story para lalo silang ma inlab.
  • Yung iba pupuntang Tagaytay. Para sa mga high end na magkarelasyon. Pag marunong mag drive si babae/lalake. Aba roadtrip at kakaibang adventure yun!
  • Yung iba. Alam na! :D sasabak sa gera. Di pa naman bagong taon eh nag puputukan na sa loob ng hotel. Sasalubong ba sila sa chinese new year? Sabagay. Pula naman ang loob ng kuwarto.. Maraming pag pipilian. 
Marami pang mga bagay para maipakita ang pag mamahalan sa isat isa. Sa mga taong single? Wala lang. Mag lagi sa bahay. Wag mag bitter. Wag hanapin. Malay mo sa araw na umalis ka pa e yun na pala yung tatamaan ka na nang arrow ni kupido. Sayang naman diba?Masarap magmahal. Para kang kinukuryente sa kilig.Ang pag ibig ay nakakabaliw na nararamdaman ng isang tao. Walang gamot dito. Kundi mas magmahal pa lalo.Kaya ayun! Advance Happy Valentines sa lahat. :) ♥

No comments:

Post a Comment