Paano mag move on?
Nakikinig sa music - hindi yung kantang sinasampal sa kanila ang lyrics, kundi sa masasayang kanta katulad ng Waka Waka, Fireworks, Bad Romance, AFRICA AFRICA. Kung ano mang masasayang kanta.
Magdamag kausap ang kaibigan- hindi mawawala ang umiyak ng umiyak, kawawa si friend, basang basa na nang luha, tipong mag-kakasinat kapag natuyuan, daig pa ang na-ambunan. Payo ko kay friend, himasin ang likod niya, painumin mo ng tubig, galing sa giyera ng pagmamahal yan.
Kung blogger ka din naman- sinasabi lang rin nila ang sinasabi nila, nagpaparinig sila baka sakaling may magkagusto sa kanila, sasabihin yung mga katangian na kaya nilang gawin kapag nagkaroon sila ng karelasyon.
Magpapaganda/Mageexercise - Beauty is the best revenge nga daw, nag-eenjoy na sila sa ginagawa nila, nakaka-benefit pa ang kalusugan nila, gumaganda pa sila. Tipong maiisip mo na..
” SINONG NAGKAMALI SA ATIN NGAYON? “
Siraan ang bagong karelasyon nila - Eh syempre, mabigat ang pakiramdam, e di siraan na lang, kahit dun man lang makabawi sila sa dating karelasyon nila. Nilalait ang bagong syota ni ex nila na panget, mataba hindi sexy. Ang masama nun nalaman nila sa huli na ipinagpalit sila sa mukhang tungaw.
Pagtanggap - lahat naman nakaka-move on sa oras na tinanggap na nilang wala na yung taong ito. Wala na silang magagawa e, nangyari na kasi, may pride din naman kasi na bakit sila mang hahabol?
Kapag nagkaroon na nang bagong relasyon - Syempre, bagong love life. Bagong buhay, bagong yugto, bagong saya. Bagong taong makikilala, taong tatanggap, at taong magmamahal.
Kapag nagkaroon na nang bagong relasyon - Syempre, bagong love life. Bagong buhay, bagong yugto, bagong saya. Bagong taong makikilala, taong tatanggap, at taong magmamahal.
Paano kung masaktan ulit? Paano ulit mag-momove on? Basahin mo ulit muli sa umpisa. Paulit ulit lang yan. Okay? :)
No comments:
Post a Comment