Mababaw ang luha ng mga babae. Dahil nga sa mga nangyari sobrang bigat, dahil mahina ang bagahe nito ng emosyon. Mahina ang loob, konting kibot lang, konting away, lalo na kapag mahal ang isang tao eh iyak agad.
Taglay na iyakin ang babae, may mga babaeng iyakin talaga. At may mga babaeng patuloy na nag tatapang tapangan pero sa huli ng araw, luha pa rin nila ang magwawagi, parang ilog kung dumagsa ang luha sa mata. Daig pa ang bulkan kapag sumabog na ang damdamin. Poot, sakit, pighati, samut saring nararamdaman. Naguguluhan kung dapat ba siyang magalit, dahil unang una siya rin naman ang nagpasya na mag mahal ng sobra.
Patuloy iiyak, patuloy na uubusin ang emosyon at luha. Hanggang sa masanay na lang at makalimutan ang problema.
No comments:
Post a Comment