I blog. What i feel, what I have dealing with right now or has been with in the past. Those tears and laughs that has been counted. What I look for, what is my opinion and advices of other people. What others wants to express with. What is my likes and dislikes, my thoughts, I blog what myself look for. I blog everything what I’ve done. and all of this are only based on my emotions and experience. I blog of who I am.
Friday, April 12, 2013
Thursday, April 11, 2013
Friday, April 5, 2013
Hindi masama magmahal ng sobra basta may natitira palagi para sa sarili mo. Hindi masama ibigay ang lahat kapag nakikita mong binibigay rin niya ang lahat sa'yo. Ang mahalaga hindi kayo nauubusan ng pagmamahal para sa sarili ninyo.
Hanggat maaari mahalin mo ang isang tao, hindi kasi palaging mahal tayo niyan. Maaring magsawa in the near future. Pero alam mo yung point na wala kang guilt feeling kung sakalaing mangyari yun? Kasi totoo ang pagmamahal na binigay mo.
Wednesday, April 3, 2013
Siguro nga hindi natin masisisi yung mga bagay na naghatid sakit at lungkot sa atin sa nakaraan pero hindi naman siguro ito big deal para kalimutan mo na ngumiti ulit o yung mga bagay na pwedeng maging dahilan para maging masaya ka ulit. Oo hindi madali na mag move on o kalimutan yung mga bagay na minsan ng naging bahagi ng buhay mo, yung mga tao na minsan na din naging dahilan sa bawat pag ngiti mo. Pero dapat din siguro na wag mong kalimutan na hindi lang na ka-depende ang dahilan nang pagiging masaya sa bagay na maaring mawala sa'yo, maging sa taong iniwan ka o sinaktan ka ng nakaraan.
Hindi naman kasi ibig sabihin na nasaktan ka at iniwan ka o hindi ka nagtagumpay sa mga bagay na iyong nasimulan e titigil na ang mundo at patuloy na magmumukmok sa bagay na hindi naman karapat dapat sa taong tulad mo. Huwag mong kalimutan na marami mang naging dahilan para magbigay kalungkutan at bigat sa damdamin mo mas madami parin ang bilang kung saan ka naging masaya, at kung sino at ano ang dahilan para mas maging masaya ka sa mga bagay at taong nasa hinaharap mo. Kasi kahit minsan nang sinaktan ka niya o iniwan minsan ka na din niyang napasaya sa mga bagay na dati kayong magkasama.
Second Chance.
Hindi lahat ng taong nagmamahal nabibigyan ng isa pang pagkakataon para ituloy yung naudlot na pagmamahalan. Hindi lahat deserving bigyan ng second chance. At lalong hindi lahat ng relasyon kailangan pa ituloy o bigyan pa ng chance.
Sa pagdesisyon sa isang bagay ay hindi madali lalo na kung may lamat na ang nakaraan. Hindi madali kung may sakit pa din na naiiwan sa puso ng isa. Mahirap lalo na kung may isa pang nahihirapan. Pero kung sa tingin niyong pareho na sasaya kayo muli kung ipagpapatuloy niyo pa, then go, bigyan niyo pa ng pagkakataon yung sarili niyo at lalo na yung relasyon niyo. Kung hindi pa rin nawawala yung pagmamahalan niyo, ni mabawasan.
Kung ang tiwala ay buo pa din, dahil iyon ang pinakamahalaga. Walang namumuong hinala o doubts. Kung sa tingin niyo magwowork out pa kung sakaling ituloy niyo. Madaming salik ang kailangan niyo malaman bago kayo magdesisyon. Huwag padalos dalos. Baka kasi magdesisiyon ka sa huli, pero magsisisi ka naman.
Hindi lahat deserve ang second chance.
Subscribe to:
Posts (Atom)