Monday, March 25, 2013

Sa isang kasalanan lang, kaya nitong burahin ang napakaraming magandang bagay na ginawa ng isang tao.

Friday, March 22, 2013




Madalas kapag sobrang sakit at sobrang mahal na mahal natin ang isang tao, bigla na lang tayong napapa akap sa kanila. Kapag hindi napigilan ang bugso ng damdamin kapag ayaw natin makita nila ang luha na pumapatak sa mata natin. Gusto mo lang siya yakapin ng mahigpit. Sa oras na niyayakap mo siya para bang buong mundo mo ay hawak mo na. Napakasarap nga naman mayakap.


Kailan nga kaya ulit darating sa buhay natin yung init ng yakap na gawa ng taong nagmamahal sa atin? Nakakainip no? Pero tiyaga lang sa paghihintay. Sigurado akong darating din sa atin lahat yan.

Sunday, March 17, 2013

Kung mahal ka naman talaga ng isang tao eh hindi ka niya matitiis. Hindi niya hahayaang masaktan ka. Hindi niya hahayaang nag-iisa ka.


Minsan mas masarap sa pakiramdam mo na isulat mo na lang lahat ng nararamdaman mo. Kasi minsan, mas kaya mong isulat yung mga gusto mong sabihin kumapara sa manggagaling talaga sa bibig mo lahat. Kasi nahihirapan ka kung paano mo siya sasabihin, hindi tulad kapag isusulat mo, maiisip mo pa lahat ng gusto mong idugtong sa sentence mo. Mas mailalabas mo ng maayos yung sakit na nararamdaman mo at wala ka pang maiistorbo na ibang tao. Kahit naman na hindi magbigay ng advice sa'yo yung notebook mo, pinapagaan nito yung pakiramdam mo. 

Tuesday, March 12, 2013

What if you had a second chance with the one that got away?

Sunday, March 10, 2013

Gumising sa katotohanan.

Sabi nila walang taong panget. Pero may beauty pageant.


Sabi nila walang taong bobo. Pero sa mga Elementary Schools may Slow Learner at Fast Learner, may mga sections din na dinedepende sa grades nila. May mga guro rin mismo na nagsasabi na BOBO kang bata ka. Mga gurong hindi alam ang depenisyon ng salitang guro na nagtuturo para matuto ang mag-aaral.


Sabi nila walang taong mahirap sa pamilyang masaya. Pero napakaraming umaangal na masakit ang tiyan nila.


Sasabihing kailangan ng space, pero maghahanap ng iba.


Lahat naman puro pampalubag loob lang eh. Puro kasinungalingan ang pumapalibot. Masyadong in general magsalita. Masyadong naghuhugas ng kamay. Hindi nila tanggapin ang realidad na kinagisnan. Lalo na’t nasa Pilipinas tayo. Isa sa mga taong mapang husga sa kapwa. 


May magagawa ba tayo? Eh binuhay rin tayo para makisama sa mga kupal na mga taong mahilig manira ng kapwa nila.

Friday, March 8, 2013

Sana masaya ka na.




Sa mga desisyong ginawa mo kahit alam mong may masasaktan kang tao. Sana masaya ka na sa buhay mo kahit wala ako sa tabi mo. Sana masaya ka na sa landas na tinahak mo kasi hindi ka na akin eh. Wala na akong ni katiting na karapatan para panghimasukan at pagsabihan ka sa mga desisyon gagawin mo kasi wala na, wala nang tayo.


At kahit pa sabihin kong may pinagsamahan tayo, pinahalagahan mo ba? Hindi ko lubos maisip na makakaya mong iwan ako sa mga panahong kinailangan ko nang isang tao sa tabi ko. Nakakatuwa lamang isipin na sa mga pangako mo pa ako humawak ng lakas, hindi mo naman pala kayang panindigan.


Ang natatangi ko na lamang hiling ay ang maging tunay na maligaya ka. ‘Yung walang bahid ng kahit anong galit at sakit sa puso mo. Kasi kahit anong pagtataboy pa man ang gawin ng puso ko sa’yo? Ikaw pa rin ang pipiliin nito. Kung kaya’t wala akong ibang ninais kundi ang lumigaya ka, kahit pa man sabihin nating ang kasama mo ay iba.



                          Life is not all that bad..            








Thursday, March 7, 2013

Wednesday, March 6, 2013

Move on.


Wag ka mananatili sa isang tao dahil akala mo eh wala ng ibang magmamahal sayo. Palagi mong tatandaan na meron laging kapalit ang lahat ng taong nawawala. Iba man ang itsura, nagkakaiba man paminsan minsan sa ugali, pero pare-parehong kang mamahalin ng mga yan. Dapat mong paniwalaan na deserving ka maging masaya, na hindi ikaw yung taong basta basta lang at paulit-ulit na sasaktan. 


Kapag hindi na maganda ang pag trato sayo, sige pabayaan mo na. Maniwala ka palagi na may isang tao na magbibigay sayo ng importansya bilang tao, ang taong gagalang sayo at tatratuhin ka sa paraan na gusto mong maramdaman.Maawa ka sa sarili mo, kapag sobra na ang sakit at patuloy ka pa ring lumalaban, patuloy mo lang na sinasayang ang oras ng iyong buhay. Huwag mo ipagkait ang sarili mo maging masaya. Tandaan mo na hindi sayo magagawa ng isang tao ang isang masamang bagay kapag importante ka sa kanila.


Ngumiti ka, salubungin ang bagong pag-asa. Mag move on na. Sayang ang araw na dapat ikaw ay palaging masaya. Matuto sa mga pinagdaanang problema. Kailangan mo yan. Bigyan mo lahat ng seryosong tao ng tiyansang mahalin ka.

Tuesday, March 5, 2013

Monday, March 4, 2013

Dear God,


I just want to thank you for giving me another year ahead. For blessing me, protecting me and guiding me. I know you have more things that are waiting for me. I know you’ll give them to me at the right time. 


I just want to pray for more blessing and for guiding me on my daily activity and choices. I want to pray for my loved ones guidance and protection.


Thank you Lord. :)

ANG BAWAL NA RELASYON, SA UNA LANG MASAYA.


Andun kasi yung thrill, excitement. Yung sa una patago-tago kayo, palihim na nagkikita, palihim na nagho-holding hands at kiss, palihim na nagtitinginan. Tapos kapag lumalim na yung feelings, feeling mo nasa movie ka, parang YOU AND ME AGAINST THE WORLD.


Sabi nga, ang ganyang mga bawal na relasyon papasukin mo kahit mali, paninindigan mo hanggang sa maging tama. Kasi nga marami tayong napapanood na mga movies, nangangarap din tayo ng happy ending. Umaasa na sana maging tama eventually ang inumpisahan ninyong mali.
Pero kapag lumitaw na yung mga complications at kapag marami na ang mga kontrabida, dun nawawala ang saya. Struggle much. Di bale sana kung pareho kayong strong. 

Yung iba kasi mas lalong nacha-challenge. Eh paano kung ikaw lang pala ang nakikipaglaban? Siya pinanghihinaan na ng loob at gusto ng bumitaw. Yun yung sad part.


Kaya kung sa tingin mo wala ng future yan, know when to follow the red sign. STOP.



Sa dami ng tao na nakikita natin sa araw-araw, sa milyon milyong tao na nabuo sa mundo, nagtataka pa rin tayo kung bakit wala pa rin ang taong para sa atin, madalas mong tanungin sa sarili mo kung “Maghahanap o maghihintay?”. May mga ganung pakiramdam na tatagal ng ilang minuto, yung hinahanap mo ang sarili mo dahil pakiramdam mo nawala ito at napadpad man kung saan. 


Patuloy at patuloy na tatakbo ang buhay, sa bawat pagtakbo mo eh sigurado akong may dadating at dadating sa buhay mo para magmahal sayo, gaano ka man kabilis o gaano ka man kabagal.


Hindi dahil wala ka ngayon eh eh ititigil mo ang buhay mo. Mag isip-isip ka. Bata ka palang, bukod sa marami ka pang kakaining bigas, eh marami ka pang pagdaraanan na sakit bago mahanap ang tunay na pagmamahal.

Sunday, March 3, 2013


Nakakasawa din maging ‘People Pleaser’. Okay lang naman na makinig ka sa kanila pero wag mo namang gawin lahat ng sasabihin nila kasi sa ayaw at sa gusto mo, not everyone will like you. Kahit anong gawin mo, may masasabi at masasabi pa rin silang masama sa'yo kahit kasing bait ka pa ng santo. I mean, diba? Tignan mo, kahit nga si Lord, may ‘nonbelievers’ kahit perpekto na Siya. Ikaw pa kaya na tao lang? Huwag ka ng mag aksaya ng panahon. Si God nalang ang i please mo. :)


Hindi ko din naman sinasabing maging selfish ka. Huwag ka namang dumating dun sa point na mang aagrabyado ka na ng ibang tao para lang sa happiness mo. Be considerate enough to respect other people’s feelings.


What I mean is, go for what you want, what you think is right, where you think you’ll be happy without hurting others. If you know that you’re right and you aren’t hurting anyone, why not go for it? What’s holding you back? Kasi they’re saying na ‘It doesn’t look good’? Kasi people will think that you’re the third party kasi nagkataon lang na agad mong sinagot yung ex nya na nahulog na yung loob sa iyo at ganun ka din sa kanya? Oh come on! You know better. It’s your life diba? Enjoy it while you have it. :)


Ako yung taong kapag nagtiwala, tiwala talaga.


 Kung pinagkakatiwalaan talaga kita, papanindigan ko yun. Kapag may nagtanong sa akin kung ano yung ugali mo, sasabihin ko sa kanya kung ano yung tingin ko sa'yo. At yun yung papaniwalaan ko. At dahil nga sobra sobra akong magtiwala, kapag nasira yun, malaki yung impact niya.


Mahihirapan na akong magtiwala ulit sa'yo kung ipinapakita mo sa akin na iba yung sinasabi mo sa ginagawa mo at kung ipinapamukha mong mali yung tingin ko sa'yo. Hindi kasi ganun kadali para sa akin na tanggapin na nagsinungaling sa akin yung isang taong sobra kong pinagkakatiwalaan. Parang di man ako importante sa kanya, kasi pati tiwala ko nasira na niya.


To forget, may be hard. But trusting again, is harder.

Kahit concerned pa ako sa'yo, kahit na mahal pa kita, hindi ko gagawin ang diktahan ka.. As long as wala kang nasasaktan, wala kang inaapakan, wala kang dinadaya, sige go!


Sometimes we let affection, go unspoken

Sometimes we let our love grow unexpressed,

Sometimes we can't find words to tell our feelings,

Especially towards those we love the best.



Kapag tumunog na ang bell at uwian na.